Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shane Bernabe The Voice Kids

Shane Bernabe The Voice Kids Grand Champion

ITINANGHAL na The Voice Kids Grand Champion Season 5 si Shane Bernabe sa naganap na finals night ng Kapamilya reality singing search noong May 21. Mula sa Kamp Kawayan ni Coach Bamboo, ang tinaguriang Kiddie Rock Popstar.

Si Shane ang nakakuha ng pinakamataas na combined online votes na nagdala sa kanya sa tagumpay. Natalo niya sina Rai Fernandez ng MarTeam (Coach Martin Nievera) at Xai Martinez ng Team Supreme (Coach KZ Tandingan).

Sa huling laban para sa Power Ballad round, kinanta ni Shane ang classic Filipino song na Sino Ang Baliw habang binanatan naman ni Rai ang hit birit song na Kailangan Ko’y Ikaw at tinira naman ni Xai ang I Am Changing. 

Ani Coach Bamboo, mas bumilib siya sa last performance ni Shane sa The Voice Kids  season 5.

Grabe lang talaga. Ang paborito ko sa performance mo, ‘yung mawawala ka lang. Nasa mata mo eh, you’re a ready performer. You’re already a champion. You did it. You owned it. Speechless si coach,” proud  na komento ng OPM rock icon.

Ito  ang ikalawang pagkakataon na nanalo ang “alaga” ni Coach Bamboo sa The Voice Kids. Ang una ay si Elha Nympha na nagwagi sa The Voice Kids Season 2.

Bago ang last round, umani rin ng papuri si Shane sa duet nila ni Coach Bamboo sa first night ng Final Showdown, na kinanta nila ang Somewhere Over The Rainbow. Muling pinabilib ng bagets ang madlang pipol sa kanyang Upbeat Showstopper performance ng hit Gloc 9 song na Sirena.

Bukod sa Voice trophy, nakapag-uwi rin si Shane ng recording at management contract ng UMG Philippines at tumataginting na P1-M .

Sa Season 5 ng The Voice Kids PH Season 5  ipinakilala rin sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez bilang mga bagong host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …