Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enchong Dee Maricel Soriano Joshua Garcia

Enchong at Joshua type ni Maricel mainterbyu

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, tinanong ng huli ang una, kung sino sa mga local stars ang bet niyang ma-interview sa kanyang vlog? 

Sagot ni Maricel, “May mga bagets akong gusto kagaya ni Enchong (Dee) kasi mahusay siyang umarte, tuwang-tuwa ako hindi pa kami nagkakatrabaho. Tapos si Joshua (Garcia). Gusto ko siyang ma-interview napakabait ng batang ‘yun.”

Kamakailan ay nainterview ni Maricel ang ex-husband niyang si Edu Manzano. Klinaro niya na noong nag-interbyuhan sila ay walang nanumbalik na anuman. Naalala lang niya ang kanilang mga nakaraan.

Walang nanumbalik, kasi kami ni Edu bago naging kami, magkaibigan kami. Kaya may fallback ‘yung aming relationship as husband and wife, mayroon kaming tinatawag na friendship.

“Noong naghiwalay kami, okay kami. Hindi kami nag-away, magkaibigan kami,” tsika pa nito kay Ogie.

After makipaghiwalay kay Edu, hindi pa ulit pumapasok sa isang relasyon si Maricel. Pero bukas pa naman ang pintuan niya sa mga gustong magparamdam sa kanya.

Open naman kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello.’ Kung mati-take nila (ugali ko), eh, ‘di winner ka. Pero ‘pag hindi, umuwi ka na!” diretsong pahayag ni Maricel

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …