COOL JOE!
ni Joe Barrameda
SOBRANG excited si Matteo Guidicelli nang ipakilala siya sa ipinatawag na preskon bilang bagong Kapuso. Ito ay Matapos ang ilang buwang negosasyon bago nagkasundo ang GMA Network at ang management arm ng aktor.
Masaya naman si Matteo sa pagbabalik-Kapuso na dating kasama sa SOP, dating Sunday noontime show ng GMA. Kaya nauna siya sa GMA bago nag-ABS-CBN. Hanggang sa kasalukuyan ay may communication pa sila ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong Dantes na noon ay Executive Producer ng nasabing Sunday noontime show sa GMA.
Hindi kaila sa lahat na napaka-active ni Matteo sa sports at mga active adventure na kung ano-ano. Nag-training pa ito sa Scout Rangers ng Arm Forces of the Philippines at PSG. Kaya handang-handa ito sa lahat ng bagay at take note early riser si Matteo kaya naman karapat-dapat lang siya sa Unang Hirit, ang unang programa niya sa GMA.
May mga iba pa siyang programa na gagawin sa GMA gaya ng isang documentary show at teleserye na Black Riders na pagsasamahan nila ni Ruru Madrid.
Binibiro nga siya kung susundan siya ng asawa (Sarah Geronimo) sa GMA. Wala naman siyang masabi at abangan na lang daw ang mga susunod na kabanata. Kaya sa ngayon ay sa News and Public Affairs muna siya naka-focus.