Thursday , June 4 2026
Tawag ng Tanghalan Duets

Dating TNT contestants sanib-puwersa sa Tawag ng Tanghalan Duets 

DOBLENG puwersa at pangmalakasang boses ang maririnig sa pagkakapit-bisig ng mga dating contestant ng TNT sa bagong segment ng It’s Showtime na ngayon ay magiging Tawag ng Tanghalan Duets. 

Sa bagong bihis ng pambansang entablado ng bayan, kailangan magtulungan ang duets para mapabilib ang mga hurado.

Kahapon, Lunes, nanaig ang boses ng ‘Enharmonic’ na sina Ryan Sabacco at Randolph Bundoc matapos nilang makakuha ng 91% mula sa mga hurado. Babalik sila sa Sabado para sa weekly finals ng programa.

Bukod naman sa TNT Duets, nagpasiklab din ang bagong grupo ng kababaihan na makakasama ng madlang people tuwing tanghali, ang Baby Dolls

Ang Baby Dolls ay pinangungunahan ng grand winner ng Girl on Fire na si Mary Delle Cascabel at makakasama niya ang mga kapwa contestant na sina Chole Florendo, Kim Dueñas, Ina Ortega, Eriel Reyes, Arianne dela Cruz, Jelai Ahamil, at Showtime Sexy Babe contestants na sina Juby Sabino at Johaira Moris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …