ni Ed de Leon
GRABE si Direk, napakahilig kasi niya sa mga pogi kaya madalas siyang mabudol. Ang kuwernto ni direk, may nakita siyang pogi sa FB. Nakipag-chat siya. Maya-maya inalok siya ng ka-chat kung gusto niyang manood ng live sex. Na-xcite naman si direk, agad siyang nagpadala ng bayad sa GCash.
Matapoos na maipadala ang datung, nawala na ang ka-chat ni direk. Pero wala siyang dala, mayroon daw talagang ganoon pero kung minsan may jackpot din naman.
May kuwento siya tungkol sa isang poging bagets na naka-chat din niya. Nabudol din siya ng bagets noong una, pero kalaunan ay nakilala niya iyon nang personal. Pumayag na makipag-date sa kanya. “NAGPAUBAYA” naman daw ang bagets, kapalit siyempre ng tamang halaga. Pero hindi lang iyon, nakunan ni direk ng photio at video ang bagets nang hubad-hubad at nakabuyangyang ang lahat ng kayamanang itinatago.
Ngayon ang sinasabi ni direk, mawala man sa kanya si bagets, masulot man iyon ng isang mas mayamang bading, masasabi niyang nagawa naman niya lahat ng gusto niya rito. Mayroon siyang “resibo” o katunayan ng lahat ng nangyari. Kawawa rin ang bagets, akala niya ay katuwaan lamang ang video, itinago pala lahat ni direk para gamiting ebidensiya sa kanya kung sakali man at mag-deny siya na nagkaroon sila ng relasyon.
Bukod doon, marami na ring kaibigan si direk na nakapanood ng lahat ng videos nilang dalawa ng bagets.
Kaya kahit na nabubudol siya sa internet, ok lang kasi mayroon naman daw jackpot. Si direk talaga masyadong mahilig.