Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lyka Estrella TnT

Resbaker ng Gensan na si Lyka kampeon sa TNT

ITINANGHAL na bagong kampeon ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime si Lyka Estrella  matapos makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na Huling Tapatan.

Tinalo ng resbaker mula Gensan ang kapwa finalists na sina Nowi Alpuerto (95.1%) at Jezza Quiogue (89.6%) matapos makakuha ng total combined score na 98.9% .

Ani Lyka, “Kumapit na lang po ako sa Diyos na mabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban pa kahit sobrang pagod na. Sobrang unexpected kasi lahat sila magagaling. Hindi ko po talaga inakala na from the start. Nagdasal na lang ako talaga kung will Niya ibigay.”

Nag-uwi si Lyka ng P1-M, bagong house and lot mula sa Camella, isang recording contract sa ilalim ng Star Music, management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at isang Toym Imao trophy.

Naging mahigpit man ang labanan, nasungkit ng ginintuang tinig ni Lyka ang puso ng mga huradong na sina Gary Valenciano, Darren, Jona, Klarisse, Erik Santos, Nyoy Volante, Jolina Magdangal, Jed Madela, Marco Sison, at Louie Ocampo matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang medley ng mga kanta ni Jessie J.

Labis na kinapitan naman ng manonood ang nasabing tapatan kaya naman napunta ang hashtag nito na #TNT6AngHulingTapatan sa listahan ng Twitter trending topics worldwide.

Kahapon, Lunes, inabangan ang bagong bihis ng TNT na tinawag ng Tawag ng Tanghalan Duets na pares-pares ang laban at dalawang pangmalakasang boses ng mga Filipino ang bumida.

Napapanood ang It’s Showtime, 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, gayundin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …