Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dennis da silva

Dennis da Silva sayang na bata; nag-birthday sa kulungan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAALALA ng kanyang fans at kasamahan din sa That‘s Entertainment ang birthday ni Dennis Da Silva noong isang araw. Fifty years old na rin pala siya, at doon siya nag-birthday sa loob ng kulungan.

Matagal na rin namang nakakulong si Dennis  kahit na umamin ang complainant niyon na totoong may relasyon silang dalawa, ibig sabihin hindi rape ang nangyari, kung hindi pinilit lang siya ng isang nakatatandang kapatid at ng mga taga-DSWD. Nakapaglabas na ng final decision ang korte at hindi na mababago iyon, talagang kulong na si Dennis.

Iyang si Dennis, naging misguided lang ang buhay niyan, pero mabait na bata iyan eh. Kaso naimpluwensiyahan nang hindi tama. Nagkaroon ng relasyon sa mga bading, nakahawak ng malaking pera, kaya natuto ng bisyo. Tapos naman noon nagkaroon ng relasyon sa isang matrona, na ang anak nga ay naging syota rin niya kaya nangyari iyang mga bagay na iyan sa kanya.

Kung hindi lang nagkamali ng diskarte sa buhay iyang batang iyan, sikat pa iyan hanggang ngayon. Kasi sa batch nila noon siya ang pinaka-pogi at pinagkakaguluhan ng fans. May nagsasabi ring nasira ang diskarte ni Dennis noong maging syota at itinanan si Ruffa Gutierrez. Binawi ng mga magulang si Ruffa at hindi na naka-move on

si Dennis hanggang sa kung kani-kanino na nga lang sumama.

Iyan ang sayang na bata, misguided. May problema rin naman kasi iyan sa mga magulang noong araw eh. Medyo may problema rin sila. Akala nga namin maaayos iyon nang maging artista na siya, pero hindi pa rin eh.

Ewan kung ano pa nga ba ang magagawa para mai-correct iyong naging hatol ng hukuman sa kanya, dahil unfair nga iyon dahil sa ilang technicality?

Sana naman may magawa pa, dahil umamin na nga ang complainant publicly.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …