Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine

JaDine fans umaasa pa ring magkakabalikan ang kanilang idolo

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGHIHIMUTOK pa nga ba ang JaDine fans hanggang ngayon sa paghihiwalay ng dalawa? Maliwanag naman ang mga pangyayari. Ginawa silang isang love team, nagkagustuhan, nag-live-in pa nang halos apat na taon. Dumating ang panahon na hindi na ganoon kalakas ang batak ng kanilang love team,  dahil home talent nila, inuna ng Viva si Nadine Lustre.

Si James Reid naman, nag-isip nang magsarili, dahil naisip niyang sikat na siya at kaya na niya on his own. Nagtayo siya ng isang music at talent management company. Sinuportahan pa rin siya ni Nadine umalis iyon sa Viva hanggang nagkademandahan pa para makasama lang siya sa music company at management firm ni James. Kaso wala ring nangyari. Nakagawa ng isang album si Nadine sa ilalim ng kompanya ni James, na hindi naman narinig saan man, natural hindi kikita, walang promo eh. Natauhan na rin siguro si Nadine na walang mangyayari sa career niya, bukod pa nga sa natalo siya sa kaso, at inutusan siya ng korte na sundin ang legal na kontrata niya sa Viva. 

Natural babalik na lang si Nadine sa Viva, na tamang desisyon naman dahil nang magbalik siya, nakagawa siya ulit ng isang hit na pelikula. Samantalang si James, nangangamote pa rin ang career.

Nang tuluyan nang umalis si Nadine at saka lumabas na girlfriend na ni James si Issa Presman, hindi bale iyon dahil wala pa namang career iyon. Hayaan na ninyo sila kung ano gusto nila. Malabo namang pilitin na matuloy pa ang kanilang relasyon against all odds. Wala ka nang ipinaglalaban niyon eh, bakit lalaban ka pa?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …