Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Dave Amarinez

Ara Mina sinagot tunay na dahilan ng cryptic post

REALITY BITES
ni Dominic Rea

LAST week umusbong ang usapang tila may pinagdaraanan daw ang mag-asawang Dave Almarinez at Ara Mina. Nag-ugat ang isyu nang may inilabas na post si Ara sa kanyang social media account ng, “guide me lord…” na kapag nabasa mo ay mag-iisip ka kaagad at magkaroon ng kongklusyong may problems ba siya o silang mag-asawa? 

Wala kasi sa karakter unang-una ni Ara ang mag-post ng ganoon sa kanyang socmed dahil most of the time ay mga negosyo niya ang kanyang ibinabalandra.

Bilang kaibigan at malapit sa mag-asawa ay minabuti kong magpadala ng message kay Ara sa pamamagitan ng Viber at tinanong ko siya ng deretsahan about what she posted na marami ang nag-isip ng nega sa kanila.

“Naku! Oo nga eh! Marami na ang pumik-up. Akala nila for Dave. Hindi. For a friend yun,” agad namang sagot ni Ara sa Viber message ko.

“Sabi ni Dave, akala tuloy tayo,” paglalahad pa muli ni Ara.

‘Yan ang gusto ko kay Ara mula noon hanggang ngayon. ‘Yung kapag may itatanong ka sa kanya, o kahit sa anong bagay, on the spot ka rin makatatanggap ng sagot mula sa kanya. 

Ayan! Maliwanag na huh. Wala silang isyung mag-asawa at lalong malabo sa kanila ang salitang may pinagdaraanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …