KAPAG hindi inaasahan at hindi maipaliwanag ang pagkikita ng dalawang tao, nagkataon pa rin lang ba ito? O paraan na ito ng tadhana at ang kakayahan nitong gawing posible ang imposible?
May bagong aabangan ang mga K-movie fans dahil mapapanood na sa Philippine cinemas ang pelikula ng dalawang fast-rising Korean stars. Abangan sina Yeo Jin-goo at Cho Yi-Hyun sa Ditto, sa mga sinehan simula March 29, 2023.
Dalawang tao na nabubuhay sa magkaibang dekada ang magtatagpo at magbabahagi sa isa’t isa ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig at pagkakaibigan.
Si Kim Yong (Yeo Jin-goo) ay college junior sa isang university living at nasa taong 1999. Si Mu-nee (Cho Yi-Hyun) naman ay isang sophomore sa parehas na eskuwelahan pero nabubuhay sa taong 2022. Dahil sa isang total lunar eclipse, kamangha-manghang magkakausap sina Kim Yung at Mu-nee gamit ang isang lumang radyo. Rito mabubuo ang kanilang pagkakaibigan at magkakaroon ng matibay na relasyon na puno ng kuwento tungkol kanilang mga love life at iba pang pagkakaparehas nila.
Abangan ang romantic fantasy film na ipakikita na kahit na nasa magkaibang taon at panahon, ay nabuo pa rin ang samahan ni Kim Yong at Mu-nee. Panoorin kung paano nila patutunayan na kahit na maraming nagbabago sa mundo, may mga bagay pa rin na nanatiling magkapareho.
Ang Ditto ay remake ng 2000 movie na may parehas ding titulo na bumida sina Kim Ha-Neul at Yoo Ji-Tae. Tignan kung paano binigyan ng direktor na si Seo Eun-Young ng modern-day take ang pelikula na dama pa rin ang magic at romantic feeling ng kuwento.
Mula sa K-Movie Entertainment at Viva Films, humanap ng mga taong babagay para sa ‘yo at magkaroon ng samahan na sa sobrang tibay ay kayang higitan at lagpasan ang kahit na ano, kahit pa ang pagsubok ng oras. Panoorin ang Ditto, in cinemas nationwide ngayong March 29, 2023.