Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing bumagay na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko:The Music of Rey Valera, ay si RK Bagatsing ang gumaganap dito bilang si Rey Valera. At in fairness, fit sa aktor ang role, may hawig kasi siya sa sikat na singer-composer, lalo na noong nilagyan siya ng wig para mas lalong maging kamukha ni Rey. 

Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Joven Tan at produced ng Saranggola Media Productions.

Napanood namin ang nasabing pelikula sa advance screening nito. In fairness, nagustuhan namin ito. Kabataan kasi namin noong sumikat ang mga awitin ni Rey.  Kaya feel na feel namin at nag-reminisce kami sa aming kabataan noong narinig ang mga song niya na ginamit sa pelikula, gaya ng Ako Si Superman, na unang single niya, Tayong Dalawa, Maging Sino Ka Man, Malayo Pa Ang Umaga,  Walang Kapalit at iba pa. Ang sarap pakinggan ng mga kanta na isinulat ni Rey.

Kakaiba ang format ng movie na biopic ni Rey na may pagka-documentary/extended music video ang narrative, na isa-isang tinatalakay ang origin at concept ng ilan sa kanyang mga sikat na mga awitin.

Kabahagi si Dennis Padilla sa kuwento ng kantang Maging Sino Ka Man na tampok din sina Rosanna Roces at Ronnie Lazaro.

Sabi ni Dennis tungkol kay Rey, “Bata pa po ako, talaga pong pinanonood ko na po si Rey Valera.

“Anyway, maganda rin naman ang role ko rito dahil ‘yung kanta na aking isinabuhay ay ito ‘yung pelikulang nagbigay sa akin ng pangalan, ‘yung ‘Maging Sino Ka Man.’

“Dahil sa movie na ‘Maging Sino Ka Man,’ ako ‘yung sidekick ni Robin [Padilla] doon, ‘tapos si Sharon (Cuneta) ‘yung leading lady. At doon ako nabansagan na Libag.

“Libag ang pangalan ko. ‘Tapos, tamang-tama naman… ‘yun ang pinapelan namin ni Osang. Dahil si Rosanna rito, talagang in love ako sa kanya, kaya lang hindi niya ako pinapansin.

“Gusto kasi niya, may bayad. Yung akin, libre.”

Sa mga kanta ni Rey, ano ang ultimate favorite niya at naging bahagi ng kanyang buhay?

“Yun nga, yung ‘Maging Sino Ka Man.’ Kasi, very memorable ‘yun hindi lang as a song kundi memorable siya sa career ko!” sagot nI Dennis.

“Kasi noong kinausap ako ni Boss Vic [del Rosario], nasa GMA-7 ako noon, sabi niya, ‘Bibigyan kita ng magandang role kasi ang tatay mo, sidekick ni Fernando Poe Jr. Ikaw gagawin kong sidekick ni Robin Padilla.

“’Tapos, noong pumutok ‘yung movie, kasabay na ring pumutok ‘yung pangalan ko. At dahil sa movie na yun, nanalo ako ng Best New Movie Actor sa Star Awards.”pagbabalik-tanaw pa ni Dennis.

Ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay showing na sa April 8. Isa ito sa entries sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …