Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby bibili malaking property, mga anak pagsasama-samahin

HATAWAN
ni Ed de Leon

HAPPY si Gabby Concepcion na sinasabing ilang buwan na lang at lolo na siya.

Mae-enjoy ko pa ang pagiging lolo ko. Hindi gaya ng iba na naging lolo nang medyo matanda na. Sa akin I still have a lot of time. Isa pa lang iyan. Sana magka-apo na rin ako sa iba ko pang mga anak. Lahat naman sila, maliban dito sa dalawang huli, ay nasa edad na para magkaroon ng pamilya,” sabi ni Gabby.

Pero ano ba ang pangarap niya para sa mga anak niya?

The reason why I still work this way, gusto kong makabili ng isang malaking property na posibleng makasama ko sa iisang compound ang aking mga anak. Siguro ganoon din kasi ang nakagisnan kong buhay. We started sa San Juan na property ng grandparents ko and we were all there. Close lahat ang pamilya.

“Alam ko naman ang mga mali ko in the past. Nagpapasalamat nga ako na kahit na ganoon naging close pa rin sa isa’t isa ang mga anak ko. Dream ko talaga na pagdating ang araw makasama ko silang lahat sa iisang lugar that we can call our home.

At siyempre mas masaya kung naroroon din at naglalaro ang mga apo mo,” ang natatawa pang sabi ni Gabby, na ngayon kung binibiro nga ay tinatawag nilang “Lolo Pogi.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …