Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal na ipakilala sa publiko ang pinakabagong mga miyembro ng kanilang pamilya sa kauna-unahang Star Magical Prom na gaganapin sa Marso 30. 

Mala-’debut’ na selebrasyon ang magsisilbing pag-welcome sa top young at rising stars na nais maabot ang kani-kanilang mga pangarap bilang artistang may “Tatak Star Magic.” Imbitado rin online ang fans dahil mapapanood ang red carpet at prom night event sa YouTube channel ng Star Magic. 

Tiyak mapupuno ng kilig ang Star Magical Prom dahil makakasama rito ang ilan sa pinaka-pinag-uusapang love teams tulad nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, “Fractured” stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, pati na rin ang bida sa Drag You and Me na si Andrea Brillantes.

Kaabang-abang din ang pagrampa sa kanilang debut ang Dirty Linen cast members na sina Xyriel Manabat, Sean Tristan, Raven Rigor, Rans Rifol, at CJ Navato; Teen Clash stars na sina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, Kobie Brown, Andi Abaya, at Bianca de Vera, at dating PBB housemates na sina Karina Bautista, Anji Salvacion, at Shanaia Gomez.

Makikisaya rin ang P-pop sibling groups na BINI kasama ang mga miyembro nilang sina Gwen, Stacey, Mikha, Maloi, Colet, Aiah, Jhoanna, at Sheena, at BGYO na sina Nate, Gelo, JL, Akira, at Mikki, gayundin ang global pop group na Hori7on. Kabilang din sa prom night ang promising stars na sina AC Bonifacio, Gillian Vicencio, Louise Abuel, Daniela Stranner, at Angela Ken

Bukod sa chikahan at sayawan na magaganap sa prom, dapat ding abangan ng viewers ang pagpapakilala sa pinakabagong Star Magic group, ang Sweet 16 at Debutantes portions, at ang pag-award ng fan-favorite na Prom King and Queen. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …