Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Joni Lynn Castillo

Dahilan ng pagkuha ng komisyon ng tiyahin ni Liza ‘di malinaw

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGSALITA na rin ang tiyahin ni Hope, alyas Liza Soberano, na si Joni Lynn Castillo. Pati siya kasi natatanong na ngayon kung bakit naman kumukuha pa siya ng komisyon sa kita ng kanyang pamangkin. Ang karaniwan nga kasing kalakaran, iyang mga road manager at PA ng isang artista, suwelduhan lang iyan. Hindi iyan kumukuha ng komisyon.

Kung bakit nasimulan na kumukuha ng komisyon sa kanyang kinikita ang kanyang tiyahin ay hindi rin maliwanag. Baka nga gusto niyang kumuha na lang iyon ng komisyon para kung wala siyang ginagawa

ay hindi niya kailangang magpa-suweldo ng tao.

 Pero maliwanag ang sinabi ni Tita Joni, “mahal ko ang aking pamangkin. Iginagalang ko po si Ogie. Para sa akin na binigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay itim, dahil po sa mga napakagagaling

kumuda, kaya napakagulo na po.”

Sino naman kaya ang tinutukoy ni Tita Joni na “napakagagaling kumuda?”

Ewan nga ba kung bakit nagkagulo pa nang ganyan. Nangarap si Hope na siya ay magiging isang Hollywood star sa tulong ni James Reid kahit na wala pa namang pruweba ang mga iyon. Pero ambisyon niya

iyon eh bahala siya. Tutal naman hindi na siya bata at may sariling isip na. Nagsimula lang naman ang gulo noong mag-vlog pa iyang si Hope. Kung hindi siya nag-vlog ng ganoon wala na sanang problema. Ngayon kasama na rin ang tatay niya sa naba-bash, kasi nga nakagawa iyon ng isang maling statement para idepensa lamang ang anak niyang si Hope. Ang buhay nga naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …