Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina Team A KimJe

KimJe may rambulan sa Fun-Serye na Team A ng TV5

PATUTUNAYAN ngreel at real life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles na totoo ang “Happy Fam, Happy Life” dahil bibida sila sa panibagong fun-serye series na inihahandog ng Viva Entertainment, Sari Sari Channel, at TV5, ang Team A. 

Ipapalabas na sa Marso 18 ang Team A tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa TV5 at catch-up episodes sa Marso 19, tuwing Linggo, 9:00 p.m. sa Sari Sari Channel Cignal Ch 3.

Tiyak na mapapahalakhak ng Team A ang viewers lalo’t magkakasama ang iba’t-ibang karakter na maraming pasabog na entry tungkol sa mga isyung pampamilya at marami pang iba. Ang istoryang ito ay umiikot sa pamilyang Ambida nina Ian (Jerald), Janet (Kim Molina), at ang kanilang unica hija na si Yeye (Gianna Aguiron) na susubukin ang tibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa lalo na’t umeeksena sa scenario ang nanay ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo Aguila) at ama ni Ian na si Arman Ambida (Anjo Yllana) dala ng pagkakaiba ng kanilang lifestyle at pinansiyal na pagpapalaki.

Sa comedic tandem nina Jerald and Kim na gaganap bilang mag-asawa sa bagong seryeng ito, mae-excite ka talaga sa bibitawan nilang dialogue at banters ng kanilang mga karakter. Hindi lamang pagpapatawa ang maihahandog ng Team A kundi mag-iiwan rin ito ng mga importanteng mga aralin tungkol sa pamilya na maaaring maka-relate sa viewers.

Ano nga ba ang dapat gawin ng Ambida Family sa parating pagbabangayan ng kanilang in-laws? Lalo na’t parating nagpaparinig si Violeta na hindi siya aprubado kay Ian bilang asawa ng anak niyang si Janet dagdagan pa ng ‘di pagsang-ayon ni Arman na minsmaliit ni Violeta ang kanyang anak na si Ian. Paano kaya mapapagbati nina Janet at Ian ang kanilang mga magulang at maging magkakampi sa Team Ambida o Team A?

Panoorin kung paano dadalhin nina Jerald, Kim, Yayo, at Anjo ang kanilang A-game sa bagong comedy series para sa buong pamilya. Makakasama rin sa Team A sina Gene Padilla bilang Mon Bagsic, asawa ni Violeta at ama ni Janet; Cindy Miranda bilang Rochelle, isang beauty-queen YouTuber na kapatid ni Janet; Marc Acueza bilang Estong, asawa ni Rochelle na mukhang inosente pero napakayaman; Ethan David bilang Jaime Sobel, ang mayabang na kapwa driver ni Ian; at Ashtine Olviga bilang Diane, nakababatang kapatid ni Janet.

Kilalanin ang Ambida clan at maghanda nang humalakhak sa kanilang nakatatawang rambulan dahil ipalalabas na ang Team A sa Marso 18, 9:30 p.m .sa TV5, na may catch-up arings sa Sari Sari Channel (Available sa Cignal Ch. 3) tuwing linggo, 9:00 p.m. sa Marso 19. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …