Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach

Nagtatawag ng hate campaign kay Aga, budburan ng bawang na may asin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATANDAAN mo ba TIta Maricris noong minsang napagkuwentuhan natin na may pagkakahawig si Presidente BBM at si Aga Muhlach? Iyon ay noong sumasailalim pa sa military training si PBBM at bata pa.

Hindi pa namin napapapanood iyang Martyr or Murderer, hindi naman kailangang magmadali dahil tatagal naman iyan sa sinehan, dahil hindi naman siya “namiligro” sa takilya. Pero may nag-marites na nga sa amin na sa closing scene, lumabas si Aga sa isang cameo role lang naman, isang guest role bilang si BBM. Kaya pala may “hate campaign brigade,” ipinabo-boycott na rin daw si Aga. Eh iyon ngang pelikula na matagal na nilang ipinabo-boycott kumikita pa rin kaysa sinusuportahan nila, eh si Aga pa?

Una, ano ang kasalanan ni Aga? Ang kanyang propesyon ay isang artista. May kumuha sa kanyang isang pelikula, ano ang masama roon? Sana kung si Aga ay hindi naman artista pero nag-trying hard na

maging artista. Iyon ang hindi dapat panoorin. Pero si Aga, artista naman siya. Kinikilala siyang isang mahusay na actor. Alam niyang kahit na anong role ang ibigay sa kanya kaya naman niyang gampanan.

Anong masama sa ginawa niya?

Hindi naman si Aga iyong “pa-dede-rek” sa kukuha sa kanyang artista. Ano man ang sabihin ng “hate brigade campaign” may kukuha pa rin kay Aga. Baka hindi ninyo alam kung gaano karami ang fans ni Aga

hanggang ngayon. Kung kinuha rin ninyo si Aga, baka hindi napu-pull out sa mga sinehan ang mga pelikula ninyo. Pero afford ba ninyo ang level ng talent fee ni Aga? Hindi puwede sa barya-barya iyan.

Tigilan na nga ninyo iyang mga “hate campaign” ninyo. Lalo lang kayong nababaon at nakaka-buwisit na kayo. Dapat sa inyo budburan ng bawang na may asin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …