Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizquen Liza Soberano Enrique Gil

Enrique nairita kaya sa mga pasabog ni Hope Soberano?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAHIT na ano pa ang gawing paliwanag ngayon ni Liza Soberano, ayaw nga pala niya ng pangalang Liza, Hope Soberano na lang, hindi maikakailang masama ang loob sa kanya ngayon ng mga taga-ABS-CBN at tiyak namin maski ang dati niyang manager.

Masakit iyong sinabi niya ha. Noon nakarinig na rin kami nang ganyan mula sa isang female star nang paalalahanan naming baka may ginagawa siyang nakasisira sa kanyang image, at sinagot kami ng, “actually I‘m sick and tired of the image you made for me, dahil hindi

ako iyon.”

Noong marinig namin ang sinabi niyang iyon, tinalikuran na namin siya. Ewan kung masasabi naming “sa awa ng Diyos” pero ang female star na iyon na nagta-trying hard pang makabangon sa kanyang career ngayon ay laos na.

Retired na ngayon si Malou Santos. Hindi na siya ang humahawak sa Star Cinema, pero may mga ginagawa pa rin siyang projects. Palagay ninyo kukunin pa ni Malou si Hope, matapos na sabihin niyong hindi rin niya gusto ang pangalang Liza, na ipinagamit sa kanya ni Malou noong araw?

Iyong dati niyang manager na si Ogie Diaz, hanggang ngayon walang sinasabing laban sa kanya, dahil sinasabi naman niyon na malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya noong magpa-manage si Hope sa kanya, pero hindi kaya deep inside nasaktan din iyon?

Ano ang feeling ni Enrique Gil na hindi naman pala enjoy si Hope sa kanilang love team at naiirita rin iyon na siya lagi ang leading man niya? Hindi ba sampal din iyon sa pagka-lalaki ni Enrique na naniniwala na totoo na ngang magsyota sila?

Ewan kung pagdating ng araw ay sumikat nga sa Hollywood iyang si Hope Soberano, o masumpungan na lang niya ang sarili niya na “hopia” na ang kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …