Friday , November 22 2024
Cesar Montano

Cesar nagbago ang pananaw sa history nang gumanap bilang Macoy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pelikulang Martyr or Murderer mula sa Viva Films at idinirehe ni Darryl Yap ay gumaganap dito si Cesar Montano bilang si former president Ferdinand E. Marcos Sr..

Sa media conference ng nasabing pelikula, ikinuwento ni Cesar ang preparasyon niya para sa kanyang role.

Sabi niya, “Pareho pa rin (sa ‘Maid In Malacanang’), aside from ‘yung preparation no. And, itong script ni Direk Darryl eh patindi nang patindi, so tinitingnan ko lang binabasa ko lang ng maige kung saan ako hindi madadawit at baka makulong ako rito.

“Kasi ako dapat ang dadalaw eh. Pero ako, I enjoyed the script. I enjoyed the story. Kasi ang dami kong natitisod na bagong mga…nadi-disclose na mga nangyari noon. Ito pala.”

Ikinuwento rin ni Cesar ang personal experience niya during Marcos presidency.

Kasi, I was there. In 1986 I was in college. So hindi ko alam na ganoon pala ‘yung mga nangyayari. So ako personally, as an actor, nag-enjoy ako, but the challenge sa akin is, ‘Ah sandali, Marcos– isipin mo Marcos, during that time, lahat ng estudyante, halos lahat, ayaw kay Marcos.’ Lahat sumasali ng LFS (League of Filipino Students), kasama na ako roon, eh ngayon, I’m playing Marcos.”

Nang gampanan ni Cesar ang role ni dating presidente Marcos Sr., nag-iba ang pananaw niya tungkol sa history.

Eh sabi ko, nag-iiba ‘yung–alam mo ‘yun, the world is turning around, sa buhay mo, sa pag-iisip, sa aking knowledge.

“So sa akin more of like..isinusulat ulit ‘yung history sa ating buhay, sa ating..dahil ako pa si Marcos, ‘yun ang sa challege sa akin.”

Nagpasalamat si Cesar sa social media dahil nakatulong ito para i-research ang kanyang role.

I’m so grateful, so thankful that naging available lahat sa social media ang lahat ng content about the role I played, about the former President. 

“Uulitin ko po, I’m humbled to play this role, as an actor, isang malaking oportunidad po sa akin na gampanan ang role ang character po ng ating former President Ferdinand Edralin Marcos Sr.”

About Rommel Placente

Check Also

Juan Karlos Live

Juan Karlos ninenerbiyos habang papalapit ang konsiyerto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio   NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo para sa …

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …