Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Agimat ng Agila

Sen Bong isang malaking produksiyon ang kasunod na project

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

TUWANG-tuwa si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. matapos parangalan ang pinagbidahan niyang teleseryeng Agimat ng Agila na ilang panahon ding namayagpag sa rating dahil sa pagsubaybay ng  marami niyang tagahanga.

Isa ang Agimat ng Agila sa mga nanalo sa 35th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) noong nakaraang Sabado ng gabi, Enero 28. Isa ito sa sa maraming awards na nakopo ng GMA 7.

Dahil hindi binitawan ng mga tagasubaybay ang Agimat ng Agila mula umpisa hanggang natapos, nagawaran ito ng ‘Best Drama Mini-Series.’

Ginanap ang awards night sa grand ballroom ng Windford Manila Resort and Casino, Maynila, sa pamumuno ng Pangulo ng PMPC, Fernan de Guzman.

Nagwagi ang GMA 7 bilang Best TV Station. Natamo nito ang 27 awards sa 48 na categories.

Napakahalaga ng mga ganitong award dahil ito ang nagbibigay-sigla sa atin para lalong sipaging magtrabaho. Ang mga ganitong pagkilala’y labis nating pinasasalamatan,” saad ni Sen. Bong.

Marami ang nasiyahan, nanabik, sumubaybay at nabitin sa dalawang season ng  Agimat ng Agila. Tikom ang bibig ni Sen. Bong tungkol sa kanilang bagong proyekto, pero marami na ang nag-aabang.

Hindi mini-series kundi isang malaking produksiyon ang aming inihahanda. Mahirap magbigay ng detalye sa ngayon pero, malay n’yo, baka araw-araw n’yo na kaming mapapanood. Abangan na lang ninyo,” sabay tawa ng aktor na Senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …