Sunday , December 22 2024
Sanya Lopez Gabbi Garcia Kylie Padilla Sunshine Dizon

Sunshine balik-Kapuso, sisimulan agad ang Mga Lihim ni Urduja

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS hindi i-renew ng GMA 7 ang contract ni Sunshine Dizon noong 2021, nag-decide ito na lumipat na lang sa ABS-CBN at nabigyan siya rito ng dalawang projects.

Pero hindi nagtagal sa Kapamilya Network si Sunshine, bumalik siya Kapuso Network. Next month ay magti-taping na sjya ng  action-adventure series na Mga Lihim Ni Urduja. 

Makakasama niya rito ang mga gumanap na Sang’gres sa defunct series ng GMA 7 na Encantadia na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla. 

Si Sanya ang gaganap na Urduja.

Kasama rin sa cast sina Kapuso hunks Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at  Pancho Magno.

Pasok din dito ang veteran actress na si  Gina Pareño, ang beauty queen-actress na si Michelle Dee, at si Zoren Legaspi.

Sa pagbabalik-GMA ni Sunshine, ilang netizens ang nadesmaya sa kanya. Nagpakawala ng masasakit na salita ang mga ito sa aktres.

Pero sinagot sila ni Sunshine. Sabi niya, “‘Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge.

“I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko.

“Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY.”

O ‘di ba, halatang napikon si Sushine sa kanyang bashers.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …