Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mary Joy Santiago McCoy de Leon Elisse Joson

Mary Joy naglabas ng resibo, kinompirmang usapan nila ni McCoy

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMALAKI yata ang problema at lalo na matapos na ilabas ni Mary Joy Santiago ang kanyang picture na kasama si McCoy de Leon. Mas malala pa nang sabihin niyang nagsimula lang silang mag-usap ni McCoy nang hiwalay na iyon kay Elisse Joson.

Kahit na tahimik pa sina McCoy at Elisse sa kanilang paghihiwalay, nakompirma iyon nang sabihin ni Mary Joy na nag-usap lang sila noong “hiwalay na sila ni Elisse.” 

Ang gustong tukuyin ni Mary Joy, hindi siya naging third party dahil hiwalay na nga iyong dalawa noong pumasok siya.

Sa pangyayaring iyan, sapat nang manahimik si Elisse at si McCoy ang naiwan on the spot. Ano ang magiging paliwanag ni McCoy sa sitwasyong iyan. Tiyak na ang itatanong, talaga bang nakipag-usap lang siya kay Mary Joy noong hiwalay na sila ni Elisse, at kailan ba sila naghiwalay? Kung sasabihin niyang isa o dalawang linggo lang, o kahit na isang buwan pa, ang bilis naman ng usapan nila ni Mary Joy. Ewan din kung magde-deny si McCoy na kinakausap na nga niya si Mary Joy.

Kung sa bagay, wala naman sigurong masyadong epekto iyan sa career ni McCoy, dahil hindi na naman matinee idol ang image niya. May mga tumutukso pa ngang baka sumabak na siya sa Vivamax sa taong ito, na hindi naman malayo.

Hintayin na lang natin kung ano ang susunod na mangyayari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …