Saturday , November 23 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Traslacion 2023, kanselado na naman, nasaan ang sinasabing pananampalataya?

YANIG
ni Bong Ramos

NOBYEMBRE pa lang ng taong kasalukuyan ay inianunsiyo na ng simbahang Katoliko na kanselado at hindi na naman tuloy ang pagdiriwang ng Traslacion 2023 na dapat ganapin sa 9 Enero 2023.

Dalawang taon, magkasunod itong hindi naganap sanhi nga ng pandemya na lubhang ikinabahala ng gobyerno na baka maging sanhi ng pagkalat ng virus dahil isa potensiyal na maging super-spreader event sa rami ng mga inaasahang dadalong deboto.

Sa sitwasyon naman siguro ngayon na halos ikinokonsidera nang endemic ang pandemic at maluwag na rin ang mga alert level status, dapat na sigurong bigyan ng laya ang mamamayan lalo ang milyon-milyong debotong Itim na Nazareno na makadalo sa sinasabing piging upang magbigay-pugay at pasasalamat.

Ito na nga naman siguro ang pagkakataon na sila ay magbigay-puri sa Itim na Nazareno na siya nilang kinapitan noong ang buong bansa ay walang nakikitang liwanag.

Marami rin ang nagtatanong kung nasaan na ang pananampalataya na palaging itinatanim sa ating mga kukote ng mga inirerespeto nating mga pari at relihiyoso.

Nasaan na nga naman ang tiwala natin sa Poong Maykapal na ating kinapitan nang husto noong huling dalawang taon ng pandemya na libong-libong tao ang binawian ng buhay sanhi ng virus na Covid-19.

Ito na siguro ang pagkakataon upang ipabatid at iparamdam natin sa Maykapal na tayo’y lubos na nagpapasalamat dahil nalagpasan natin ang pinakamapanganib na panahon sa ating buhay.

Nobyembre pa lang ay kinansela na ang Traslacion 2023 dahil ito raw ay pwedeng maging sanhi muli ng pagkalat ng virus.

Hindi kaila sa inyo, ang inyong lingkod ay isang Katolikong sarado at kandado pa kung kaya’t ang pananampalataya sa Poong Maykapal ay hindi natin isinasantabi at tuloy-tuloy pa rin.

Kung noong panahon ng pandemya ay hindi nawala ang ating pananalig e ngayon pa kayang panahon na ng endemic na halos nalagpasan na nating lahat.

Ito na siguro ang panahon upang ipakita natin sa Panginoon na buo ang ating loob at paniniwala sa Kanya.

Mas lalong hindi Niya tayo pababayaan sa mga sitwasyong darating sa ating buhay lalo na’t nakikita’t nararamdaman Niya ang iniuukol nating pagmamahal sa Kanya.

Bigyan sana natin ng tsansa ang milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno na mula pa kung saan-saang bahagi ng bansa at maging sa ibang bayan na ipahayag ang kanilang pananalig.

Huwag sana nating isipin na mangyari ang lahat ng pinangangambahang bagay at pangyayari dahil siguradong hindi ito pahihintulutan ng Maykapal.

Sana’y maging matapang tayong lahat sa anomang kaganapang darating dahil hindi Niya ito bibigay sa atin kung hindi natin ito kakayahin.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …