Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWAN
ni Ed de Leon

APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho ni Ate Vi (Vilma Santos). Ang immediate reason, medyo abala nga ang pamilya lalo na si Cong. Ralph Recto dahil  sa pagkamatay ng kanyang kapatid, si dating Vice Gov. Ricky Recto.  Hindi naman puwedeng hindi rin maging abala si Ate Vi sa mga bagay na iyan.

Bagama’t sinasabing medyo late nang matuklasan ang kamatayan ng dating vice governor, sa imbestigasyon naman ng pulisya ay sinasabi nilang walang foul play.

May isa pang proyektong ayos na sana, at iyon ang isang sitcom na makakasama niya ang kaibigang si Roderick Paulate, pero nagkaroon naman iyon ng problema kaya maghihintay na muli si Ate Vi kung ano ang magiging replacement niyon.

Sa ngayon ang talagang masasabing pinaka maagang mapapanood natin ay ang isang special na inihahanda na para sa kanyang 60th sa showbiz na mapapanood sa Pebrero, kung kailan tama ang petsa sa paglalabas ng una niyang pelikulang Trudis Liit. Mapapanood iyon sa Kapamilya Channel at iba pang estasyonna may blocktime

agreements ang ABS-CBN.

Ang isa pang balita, may gagawin siyang bagong commercial endorsement bago matapos ang taon. Noon pa sana iyan eh, kaso nagkasakit nga siya, pero ngayon  tuloy na tuloy na.

Ang inaasahan namin, sa 2023 ay magiging aktibo na ngang muli si Ate Vi, pero huwag naman ninyong hanapin iyong kagaya noong araw na sunod-sunod ang mga pelikula niya. Basta ang mahalaga gagawa na siya ng mga pelikula, at mapapanood na muli sa tv.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …