Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Myrtle Sarrosa

Myrtle dagsa ang trabaho dahil sa gaming

RATED R
ni Rommel Gonzales

GRABE! Napakaraming opportunities na nagbukas para sa akin dahil sa gaming,” umpisang kuwento ni Myrtle Sarrosa na kilalang gamer ng mga online o mobile video games.

So kakagaling ko pa lang sa London kasi in-acknowledge nila ako as one of the top mobile  gamers in the Philippines and pinalipad ako ng Call Of Duty para maglaro ng Call Of Duty Warzone  and recently galing din ako ng Singapore para makipag-compete para sa isang tournament game to represent the Philippines kasama si ate Alodia para sa Call Of Duty Warzone 2.0 kaya sobrang… minsan overwhelmed pa rin ako sa dami ng mga ginagawa ko dahil sa gaming, at sa cosplay and nakatutuwa na nakaabot na ako sa ibang bansa,” pahayag ni Myrtle.

Sina Myrtle at Alodia Gosiengfiao, bukod sa mga kilalang mobile gamer ay mga cosplayer din, nagsusuot, nag-aayos, at nagbibihis sila ng costume ng mga sikat na personalidad, mostly ay mga anime character.

Samantala, si Myrtle ang bagong celebrity endorser ng Guitar Apparel undergarments at sa contract signing niya kamakailan ay present sina Arnold Chua (President) at Renze Banawa (Sales Manager/Sparkle GMA Artist Center).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …