Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine James Reid Nadine Lustre

James ‘ibinasura’ pictures, post at kanta para kay Nadine

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAW naming sabihing dinilete, baka sabihin pa eh nagpo-promote kami ng pelikula, kaya sabihin na lang nating inalis, o ibinasura na ni James Reid ang naging post niya noong minsan na si Nadine Lustre na apat na taon niyang naging syota at naka-live in din sa kanyang P82-M bahay ang kanyang naaalala sa isang ginawa niyang bagong kanta.

Hindi lang iyon, ibinasura na rin ni James ang maraming pictures at posts niya kay Nadine sa kanyang social media account noong araw pa. Talagang naibasura na lahat.

Siguro naisip ni James na hindi uusad maging ang kanyang career kung hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang naiuugnay kay Nadine. Hindi rin naman kasi naka-maintain ng popularidad si Nadine. Nag-flop ang dalawang huling pelikula niyon, at marami ang humuhula na hindi pa rin siya makababawi agad sa mga susunod pa niyang pelikula.

Ang mga hit movie lang naman ni Nadine ay iyong pinagtambalan nila ni James. Sa mga nauna niyang project na hindi pa sila love team ni James, hindi rin naman siya malakas. Kaso sa katayuan din ng career ni James ngayon, siguro maski pagtambalin sila ulit wala pa ring mangyayari.

Baka nga mas maganda pa kung magkakatambal sina James at ang kanyang talent ngayong si Liza Soberano, na dapat magbalik na sa Pilipinas. Ilang buwan na rin namang walang nangyayari sa kanya sa US. Puro lang siya selfie sa celebrities, pero liban sa isang maikling role sa isang indie, wala pa siyang nagawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …