Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Nievera M4D Concert

Martin ‘di nabakante kahit may pandemic

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SA taong ito ay ipagdiriwang ni Martin Nievera ang 40th anniversary niya sa showbiz. Na-realized ni Martin na siya ay may future as a singer nang maging back-up siya ni Barry Manilow sa America mula sa 4,000 contestant sa California Talent Competition. Ang ama niya ay ang pamosong singer din na si Bert Nievera at gusto niyang sundan ang tinahak ng ama.

Nang umuwi rito sa Pilipinas ay agad siyang kinontrata ng Victor Music noong 1982. Si Vehnee Saturno ang nag-compose ng Be My Lady sa unang album niya na kumita noon. ‘Yun na ang simula ng sunod-sunod na hit songs ni Martin at agad namayagpag at sumikat through the years. 

Nagkaroon siya ng iba’t ibang television shows. May mga pelikula rin siyang nagawa kasama ang dating asawang si Pops Fernandez

Marami ring pinagdaanan ni Martin through the years. Hindi siya tumigil ng trabaho kahit nagkaroon ng pandemic. Wala siyang ginawa kundi bumiyahe para lang tumupad sa mga show na kinokontrata siya. Hindi siya pinagsasawaan ng mga audience na sumusubaybay sa kanya.

Kaya sa concert niya na M4M na idadaos sa Nov 19, Saturday, 8:00 p.m. at Solaire ay ikukuwento niya ang journey niya as a singer at special guest niya ang musical director niyang si Louie Ocampo na magdiriwang din ng 45th year niya sa Philippine entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …