Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez

Vice Ganda sandigan at lakas si Ion

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG singsing ang regalo ng TV host-comedian na  si Vice Ganda sa kanyang asawang si Ion Perez, nang 

ipagdiwang nila ang 4th anniversary as a couple kamakailan.

Makikita sa kanyang latest YouTube vlog ang naging mga eksena sa nasabing selebrasyon kasama ang kanilang mga kapamilya at kaibigan na ginanap sa isang sosyaling resort sa Quezon.

Sa isang bahagi ng video mapapanood ang pag-abot ni Vice ng singsing kay Ion. Sabi ng komedyante, “Siya ‘yung kapayapaan ko sa panahon ng kangaragan, sa panahon ng kai-stressan.

“Just like recently, ang dami kong fragile moments and Ion was trying to be very strong for me.

“‘Yun ‘yung pinakamalaking regalo sa akin ng Diyos bukod sa pamilya ko at malalapit kong kaibigan. May isang sandigan ako ng lakas na ibinigay niya sa akin para hindi ako manghina sa mga pagkakataon ng ngarag.

“Gusto kong magbigay ng ganito sa ’yo to remind you everyday ‘yung mga masayang moments na ipinaramdam mo sa akin noong isinuot mo (singsing) sa kamay ko.

“Araw-araw nararamdaman ko ‘yon at gusto ko araw-araw maramdaman mo rin ‘yon. This is a reminder of my love for you, my gratefulness to you, basta lahat. This is to remind you of me, of you and me,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …