Monday , December 23 2024
Karmina Constantino

Karmina Constantino 2022 Marshall McLuhan Fellow for Excellence in Journalism awardee

BILANG pagkilala sa kanyang kahusayan sa larangan ng pamamahayag, hinirang ang ABS-CBN broadcast journalist na si Karmina Constantino bilang 2022 Marshall McLuhan Fellow for Excellence in Journalism na ibinigay ng Embahada ng Canada sa Pilipinas.

Ang chargé d’affaires ng Canadian Embassy na si Colin Towson ang nagbigay ng parangal noong 2022 Jaime V. Ongpin Journalism Seminar (JVOJS) na isinagawa ng Center for Media Freedom and Responsibility.

Pinuri rin ni Towson si Karmina para sa husay at kakayahan sa larangan nito. “…an unflinching commitment to speak truth to power, an admirable consistency in ferreting out the most complicated issues of the day, and a stirring courage to ask the toughest questions.

This year’s McLuhan Fellowship goes to a journalist whose passion for the craft (that) has seen the ebbs and flows of the news industry in the past two and a half decades and whose wise instinct to clarify and challenge statements and assumptions sheds light into issues thereby shielding the public from the prospects of disinformation,” sabi pa ni Towson.

Nagpasalamat naman si Karmina sa natanggap na prestihiyosong parangal at nag-iwan ng mensahe sa mga aspiring Journalists na dumalo sa seminar. Sabi niya, “I think the future of journalism is vibrant because as we are here, you are there, too. Just continue doing the work and I hope to see you in our newsroom soon.”

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …