Thursday , December 19 2024
Angkas Halloween

May nanalo na!
Angkas wins halloween with spooky prank

MANILA, Philippines –  Marami nang kakaibang nasasaksihan ang mga Pilipino sa lansangan ng Metro Manila ngunit noon ika-30 nang Oktubre, ang mga commuter ay nakakita ng dalawang mala-monster na mga rider na nakilahok sa “Angkas Horror Trip”. Isa itong pamapasayang palabas na pinangungunahan ng isa sa mga nangungunang technology at transportation provider sa Pilipinas.

Itong ipinamalas ng mga rider ng Angkas ay hango sa mga Pilipinong alamat at mga horror na karakter  katulad ng manananggal at ulong a pugot na nakasuot ng Angkas na helmet habang hawak ito ng kaniyang katawan habang naka-angkas. Binaybay ng dalawang katatakutan ang Metro Manila bago nakisali sa isang Halloween party sa Poblacion, Makati at naki-selfie sa mga dumalo.

Film: https://fb.watch/gxJIBWmVdr/

Mula nang pagpasok ng Angkas noong 2016 bilang isa sa mga cost effective na paraan upang makaiwas sa trapik, umani ng pansin ang motorcycle hailing app na ito sa kanilang kakaiba, nakakatuwa, at kalimitan ay pilyong mga post sa kanilang social media, kaakibat ang pagpapalaganap ng kanilang promo codes.

Kahalintulad na lamang ng Halloween prank na ito, ginamit ni Angkas ang mga promo code na “ANGKASKAPRE” at “PUGOT” para maihatid at makasali ang mga sumasakay sa nasabing Halloween party.

“Ito ay ang una nating selebrasyon na pang Halloween magmula 2019,” ani ni Angkas CEO George Royeca. “Talagang ginusto namin na maipaalam na ang Angkas ay laging naririto upang magbigay ng ligtas, efficient, at abot-kayang option para sa mga commuters na gustong makisali sa mga party ngayong gabi.”

Nag viral din ang palabas na ito ni Angkas sa social media kung saan nag-share ang mga taumbayan ng kanilang mga komento at litrato ng kanilang nakita.

Ang mga tipo ng komento ay nagmula sa nakakatuwa, “Ang mahalaga safe ang ulo” (Keeping the head safe is the most important thing”), hanggang sa praktikal, “Half off po ba yung bayad ng manananggal?”

Naging matagumpay ang kauna-unahang “Angkas Horror Trip”. Noong tanungin si Royeca kung may mga kasunod pa ang nasabing proyekto ng Angkas,  eto lamang ang kaniyang nasabi, “Kung ang mga kakaibang nilalang na ito ay nagtitiwala sa Angkas, dapat kayo rin.”

For more information on Angkas and its services, visit angkas.com or download the app in Google Play Store and Apple Store.

About hataw tabloid

Check Also

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …