Monday , December 23 2024
Puregold Nasa Iyo ang Panalo

Puregold ibinida mga Filipinong ‘wagi’ at ang kuwento ng kanilang tagumpay sa Nasa Iyo ang Panalo

MAY isang mahalagang layunin ang Puregold sa pagdiriwang nito ng ika-25 na taon sa industriya ng retail: na ibida ang Panalo Stories ng mga suki nito–mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, musika, at isports. Inanunsiyo ng Puregold ang mga bago nitong endorser sa isang kampanyang pinamagatang Nasa Iyo ang Panalo. Tampok ang mga video na ipinakikita ang tinahak ng mga nasabing indibidwal para marating ang estado ng kanilang mga buhay ngayon, may isang mensaheng isinisiwalat ang mga video na ito: na maaari ring magwagi sa buhay ang mga Filipino.

Ani Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc, “Hindi magiging possible ang tagumpay naming kung wala ang aming mga mamimili, ang mga Filipinong nakasama namin sa pagdaan ng mga taon. Ngayong ika-25 taon ng Puregold, gusto naming maiparating ang taos-puso naming pasasalamat, at umaasa kaming makikita rin ng mga Filipino na posible rin ang tagumpay para sa kanila.”

Isa sa mga bida sa Nasa Iyo ang Panalo si Justin de Dios, mas kilala bilang “Justin,” ang sub-vocalist at creative lead ng sikat na boy band na SB19. Isang singer, rapper, at aktor, minsan nang nagduda si Justin kung makakamit ba niya ang tagumpay gamit ang talent niya sa musika, subalit dahil sa determinasyon, naging isa siya sa mga kilalang bituin ngayon ng Philippine Pop.

May panahong walang gustong makinig sa akin, mga panahong gusto ko nang sumuko. Pero hindi ako nagpatalo,” kuwento niya sa kanyang video, na sa kasalukuyan ay umani na ng 3.9 milyon views, isang patunay na napakaraming nakikinig at naniniwala sa kanya.

Nakita natin sa marami na niyang mga teleserye na hindi lamang magandang mukha si Francine Diaz, kung hindi mahusay din sa pag-arte. Sa kanyang Nasa Iyo ang Panalo video, ibinahagi niya, “May mga iniyakan, pero mas marami akong nilabanan. Ang pagpursige ko, walang cut, dahil alam kong nasa akin ang panalo.”

Dahil inspirasyon niya ang pamilya, nakapagpursigi si Francine at narating kung nasaan na siya ngayon—isang magaling na aktres na may mga fan na nagmamahal sa kanya, at mga proyekto at endorsement na nakapila.

Tampok din sa Nasa Iyo ang Panalo ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, mga malalaking pangalan sa showbiz bago pa man sila magtagpo.

Sa kanilang video, ibinunyag ng malapit nang maging first-time parents ang kanilang pagmamahal bilang pinakamatayog nilang tagumpay, at kung paanong ang kanilang samahan ang nagpapaniwala na kanilang malalagpasan ang ano mang pagsubok na haharapin. Sabi nga ng mag-asawa, “Hindi mo kailangang mag-isa. May kasama kang sasalubong sa kahit anong ibigay ng tadhana.”

Isang kilalang pangalan sa Tiktok, na napakasikat na plataporma sa social media para sa henerasyong ito, mayroon ding kuwento ng tagumpay si Queenay Mercado, isang influencer, aktres, at kilala bilang “Reyna Batangueña ng Tiktokverse.”

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay mula sa kanyang pinagmulan sa Tiktok, mayroon na ngayong 12 milyon na follower si Queenay. Kahit ganito, nananatili siyang lapat sa lupa. Sabi nga niya sa kanyang Nasa Iyo ang Panalo video, “Isang maliit na boses mula sa malayo . . . ipinagmalaki ko at ipinarating sa buong bansa, at sa ibang parte ng mundo.”

Mayroon ding kuwento ng determinasyon at pagsusumikap ang pole vaulter at record-holder na si EJ Obiena, ang kokompleto sa anim na matagumpay na personalidad na tampok sa Nasa Iyo ang Panalo.

Dahil sa tibay ng kanyang loob at tiyaga, narating ni EJ ang estado niya ngayon bilang atleta. Patuloy lamang siya sa mga kompetisyon at sa pag-uwi ng tagumpay para sa sarili at para sa bayan. Aniya, “Sugod lang hanggang tuktok, dahil kahit anong mangyari, alam kong nasa akin ang panalo.”

Maaaring abangan ng mga suki ng Puregold at mga follower ng mga digital channel ang iba pang mga Panalo Stories ng mga personalidad na ito, at ng mga ordinaryong Filipino rin, ngayong nagdiriwang ang retail chain ng ika-25 na taon.

Ayon kay Vincent, “Isang karangalan para sa Puregold ang magkaroon ng oportunidad na hikayatin ang mga Filipino na hawakan ang kanilang tadhana at simulan ang paglalakbay tungo sa pagkamit ng kanilang mga aspirasyon. Sana, sa pamamagitan ng ‘Nasa Iyo ang Panalo’ makita natin na ang panalo ay nasa bawat isa sa atin.”

Para sa iba pang mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa Puregold Channel sa Youtube.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …