Saturday , May 10 2025
Imee Marcos SPEEd

Sen Imee Marcos pinanumpa ang mga opisyal ng SPEEd

PINANUMPA ni Sen. Imee Marcos sa tungkulin ang mga namumuno ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sa pangunguna ng bagong pangulo na si Eugene Asis (entertainment editor, People’s Journal) na ginanap sa Kamuning Bakery Café noong Huwebes, Oktubre 14.

Kilala si Sen. Imee bilang masugid na tagasuporta ng local entertainment industry. Pinamunuan niya ang Metropop, isang songwriting competition na nag-produce ng maraming talentong Filipino tulad ni Freddie Aguilar. Siya rin ang namuno sa Experimental Cinema of the Philippines na gumawa ng mga kinilalang pelikula tulad ng Oro, Plata, Mata at Himala.

Nasa likod din si Sen. Imee ng controversial hit film na Maid in Malacanang na ipinalabas kamakailan sa Pilipinas at kasalukuyang umiikot sa buong mundo.

Para sa mga opisyal ng SPEEd, isang malaking karangalan ang pagsuporta sa kanila ni Sen. Imee. Ang naturang grupo ng mga entertainment editor, na nagsimula bilang isang social club, ay nagbibigay din ng mga parangal sa mga artista at manggagawa ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng The Eddys na inaasahang magaganap sa Nobyembre.

Bilang pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayang Filipino, ang SPEEd ay nagbibigay din ng scholarships at nagsasagawa ng reach-out programs sa ilang nangangailangang sektor.

Bukod kay Asis, ang SPEEd ay kinabibilangan din nina External Vice President, Tessa Mauricio Arriola (The Manila Times), Internal Vice President, Salve Asis (Pilipino Star Ngayon, PM), Secretary, Maricris Nicasio (Hataw), Asst Secretary, Gerardine Trillana (Malaya Buss Insight), Treasurer, Dondon Sermino (Abante), Assistant Treasurer, Dinah Ventura (Daily Tribune), Auditor, Rohn Romulo (People’s Balita) PROs, Nickie Wang (The Manila Standard) at Ervin Santiago (Inquirer Bandera), Board Members: Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer), Neil Ramos (Tempo), Dindo Balares (Balita), at Jerry Olea (PEP). 

Kasama rin ang mga tagapayo na sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin) at Ian Farinas (People’s Tonight). President emeritus at isa sa founding members ng grupo ang namayapang mahusay na patnugot at manunulat na si Isah Red.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …