Sunday , December 22 2024
Andrew Schimmer Jho Rovero

Pagkaraan ng isang taon
ASAWA NI ANDREW NAILABAS NA NG OSPITAL

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAPOS ang halos isang taong pananatili sa ospital matapos na magkaroon ng atake sa puso, nailabas na rin ni Andrew Schimmer ang kanyang asawang si Jho sa ospital. Isipin ninyo, siguro dahil nataranta na nang atakihin ang kanyang asawa, at dahil iyon ang pinakamalapit na mapagdadalhang ospital, naipasok si Jho sa St. Lukes  Hospital sa BGC na kung sabihin nga isa sa pinakamahal na ospital sa Pilipinas. Tumagal sila nang halos isang taon, dahil napasok doon ang kanyang asawa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Isipin ninyo, ilang milyong piso kaya ang inabot na kabuuang gastos? Kaya nga humingi na rin ng tulong si Andrew sa mga kapwa niya artista dahil sa sitwasyong iyon.

Ngayong humusay-husay na ang kalagayan ng kanyang asawa, nagdesisyon nga silang sa bahay na lang magpapagaling nang husto, at dahil makikita naman ninyo, na kailangang ihatid pa iyon ng ambulansiya pauwi, hindi pa masasabing ganap nang magaling iyon. Pero sana tuluyan nang gumaling si Jho.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …