Saturday , November 23 2024

Napoles itinurong mastermind sa pork barrel scam

TAHASANG inihayag ng whistleblower na si Benhur Luy na si Janet Lim-Napoles ang mastermind sa kanilang mga transaksyon sa pork barrel fund scam.

Taliwas ito sa ilang impormasyon na may ‘tao’ nasa likod ni Napoles na nagdidikta sa kanyang mga ginagawa.

Sa pagtatanong ng mga senador, inisa-isa ni Luy ang kanilang mga ginagawa mula sa pakikipag-usap sa mga mambabatas, follow-up sa mga staff at pagkuha ng pondo mula sa pork barrel.

“Si Napoles po ang mastermind … Noong pumasok ako sa office, ang kalakaran ay ang lawmakers ang pumupunta sa office para ialok ang PDAF nila,” wika ni Luy.

Inamin pa niya na nagulat siya matapos mabalitaan sa ulat ng Commission on Audit (CoA) na hindi lang ang grupo ng kanyang kamag-anak na si Napoles ang may mga bogus na non-governmental organizations (NGOs) na pinaglalaanan ng pondo ng mga senador at kongresista.

“Nagulat nga po ako noong nalaman ko sa CoA na may iba pa palang NGOs. Kala ko kasi kami lang ang gumagawa ng gano’n,” pahayag ng whistleblower.             (NIÑO ACLAN/ROCELLE TANGI/

CYNTHIA MARTIN)

50% KICKBACKS NG SENADOR, CONGRESSMEN

ISINALAYSAY ng pangunahing whistleblower sa multi-billion peso pork barrel scam sa Senado kung paano nakukulimbat ng mga mambabatas ang milyon-milyong pisong pondo mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Sa pagharap sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee, tahasang sinabi ni Benhur Luy na kumikita ang mga senador at kongresista nang hanggang 50 porsyentong kickbacks mula sa kanilang PDAF.

Ang kickbacks ay bulto-bultong cash at minsan ay direktang idinedeposito sa accounts ng mga mambabatas at mismo ang itinuturong utak na si Janet Lim-Napoles ang nagbibigay nito sa mga mambabatas.

Bukod dito, nagkakaroon din aniya ng komisyon ang staff ng ilang senador bilang padulas dahil sila ang madalas kinukulit para sa dokumento.

Maging ang ilang implementing agencies aniya ay kumukuha rin ng hanggang 10 porsiyento.

Habang nasa proseso pa aniya ang mga dokumento ay magbibigay na si Napoles ng kalahati sa 50 percent kickbacks, habang ang natitirang kalahati ay ibibigay sa oras magkaroon na ng Special Allotment Release Order (SARO) at kapag nakuha ang pera ay doon na ibibigay ang kabuuang komisyon ng mambabatas.

Wala ni isang senador o kongresista na binanggit si Luy, bilang kasunduan na hindi siya babanggit sa kanyang pagharap sa Senado.

Hiniling ni Justice Sec. Leila De Lima sa Senate blue ribbon committee na kung maaari ay huwag nang pilitin si Luy na pangalanan kung sino-sinong mga senador at kongresista ang tumanggap ng kickbacks mula sa pork barrel.

KASO VS ‘PORK’ SOLONS  PINAPLANTSA NA

KINOMPIRMA ni Justice Sec. Leila de Lima na pinaplantsa na lamang ang kasong plunder laban sa mga sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Kasabay ng ginanap na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa isyu, binigyang-diin ni De Lima na hindi mabagal ang National Bureau of Investigation (NBI) kundi tinitiyak lamang na matibay ang kasong isasampa laban sa mga akusado upang hindi masayang ang kanilang pinaghirapan.

Iginiit ni De Lima na hindi political investigation ang ginagawa ng NBI kundi isang criminal probe na naglalayong maparusahan ang mga sangkot sa katiwalian.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *