Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Julia Barretto

Carlo Aquino at Julia Barretto, patok ang chemistry sa Expensive Candy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAKAIBANG love story ang mapapanood kina Carlo Aquino at Julia Barretto sa pelikulang Expensive Candy na showing na sa mga sinehan sa Sept. 14, nationwide.

Last Monday ay nagkaroon ng advance screening sa SM North EDSA, The Block ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana at maraming pumuri at nagandahan sa pelikula mula Viva Films.

Maganda ang chemistry dito nina Carlo at Julia. May kurot sa puso ang pelikula, sexy ito pero hindi bastos. Kahit nagpa-sexy, masasabing sossy as in sosyal at may class ang rehistro ni Julia sa audience. Totoong ibang Julia ang mapapanood dito, siya si Candy na isang bar girl/sex worker, na unang experience sa sex ng late bloomer na teacher na si Toto (Carlo). Isang ordinaryong teacher na nainlab kay Candy, na bawa’t galaw ay kailangang may katumbas na bayad.

Gustong yumaman at umangat sa buhay ni Candy habang ginagawa ang bagay na alam niyang magaling siya: ang mang-akit ng mayayamang lalaki na bibigyan siya ng maraming pera para mamuhay nang payapa at marangya. Mabago pa kaya ni Toto ang isip ni Candy at tuluyang ibahin ang pangarap nito? O magigising sa katotohanan si Toto at tatanggapin na mahal mahalin ang isang gaya ni Candy?

Inusisa namin si Carlo kung in real life ba, kapag mahal niya ang babae ay handa niyang gastusan ito at ibigay ang lahat?

Esplika ng mahusay na aktor, “Puwede ko namang ibigay ang lahat nang hindi ako gumagastos. Pero depende rin naman ‘yan sa babae, hindi ba? Pero mas maganda siguro kung hindi material things ang mga kailangan mong ibigay sa kanya, kasi, marami namang ways para maiparamdam ang pagmamahal ng isang tao, hindi ba? Like, time, at affection.”

“Pero kung ako ang tatanungin mo kung gumastos na ba ako nang ganoon, parang hindi pa naman,” nakangiting wika ni Carlo.

Ibinahagi ni Julia ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang mapangahas na role na ito.

Aniya, “What made me accept it was, again, you know, I’m very hungry for growth and I really wanted to get out of my comfort zone. And I feel like, nandoon na ako sa season ng life ko na… ito na ‘yun, like, it’s growing up, its… I’m different now, like it’s a different time in my life.”

Ang Expensive Candy ay binigyan ng R-13 classification ng MTRCB) kaya mas marami ang puwedeng makapanood nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …