Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jos Garcia

Jos Garcia nominado sa 13th PMPC Star Awards for Music

MA at PA
ni Rommel Placente

SA darating na 13th PMPC Star Awards For Music ay nominado rito sI Jos Garcia sa kategoryang Female Acoustic Artist of the Year para sa single niyang Nagpapanggap,na mula sa komposisyon  ni Rey Valera.

Siyempre, happy si Jos sa nominasyong nataggap niya mula sa nasabing award-giving body.

Sobrang natutuwa po ako dahil nominado po ako sa Star Awards For Music. Isa pong malaking karangalan sa akin na napansin ako ng PMPC,” sabi ni Jos.

Since Nagpapanggap ang title ng latest single ni Jos,may na-experience na ba siya  na  naloko siya, o nagpanggap na tunay ang isang kaibigan sa kanya, pero hindi naman  pala?

Napakarami pong nagpapanggap,” sagot ni Jos.

Ayoko nalang i-mention ang names nila.

“Hindi ko po rin po sila masisisi roon. Siguro, dahil sa sarili nilang pangangailangan, kaya kailangan nilang magpanggap.

“Inisip ko na lang, in that way,  nakatulong ako sa kanila.”

Sa aspetong pera naloko si Jos.

Samantala. sa tanong naman kung sino sa mga local singer natin na babae at  lalaki, given a chance, ang gusto niyang maka-collaborate, ang sagot niya ay sina Regine Velasquez at Jed Madela.

For the record, si Jos ay nakilala sa music industry after sumikat ang awitin niyang Ikaw Lang Ang Iibigin Ko, na  may Japanese version.

Taong 2006 pa sumikat ang kanta pero hanggang ngayon ay pinatutugtog pa ito sa mga FM station.Maganda naman kasi ang lyrics at melody nito. Itinuturing  na ito ngayong isang classic song.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …