Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi napasigaw nang malamang babae ang magiging apo 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS pinag-usapan ang pasigaw at pagtalon pang reaksiyon ni Ate Vi (Vilma Santos) nang gumawa ng announcement na ang kanyang magiging apo ay “baby girl.” At inamin niya na bagama’t alam na ng mag-asawa kung ano ang magiging anak nila matapos sumailalim si Jessy Mendiola sa isang pre-natal scan, hindi talaga sinabi sa kanya kung ano ang nakita, kaya first time talagang nalaman ni Ate Vi na babae ang magiging apo niya.

Pero sabi nga ni Ate Vi, noon pa mang una niyang malamang buntis si Jessy, parang nahuhulaan na niya na babae ang magiging anak niyon.

“Alam mo naman ang mga Filipino, may mga nakagisnan tayong paniniwala. Noong magbuntis si Jessy ang tingin ko ba ay talagang napakaganda niya. Siguro sabi nga nila, ang isang factor kaya ganoon ang tingin ko dahil bibigyan na niya ako ng apo. Pero hindi ba ang kasabihan lalo na ng matatatanda, basta mas maganda raw ang babae sa panahon ng pagbubuntis babae ang magiging anak?

“Natatandaan ko kasi si Mama, noon sinabi niya sa akin, ‘alam mo nabawasan ang ganda mo, lalaki ang magiging anak mo’, na hindi ko pinapansin pero kung nakikita ko iyong mga picture noong panahong buntis ako, para ngang iba ang itsura ko. Iyong kay Ryan palagay ko ganoon din, pero wala akong masyadong pictures noon dahil hindi ba pinagpahinga ako ng doctors ko dahil delikado ang pagbubuntis ko noon.

“Pero natandaan ko iyong paniniwalang iyon, kaya nag-iimagine na ako na kailangang bumili ng mga gamit na pink para sa apo ko. At iyon nga, confirmed noong sila na ang mag-announce noon sa lahat,” pagkukuwento ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …