Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 5)

HINDI MAKAKAIN SI MARIO DAHIL SA DINADALANG  BAGABAG DULOT NG WELGA

Ipinagbubuntis pa lamang noon ni Delia ang kaisa-isa nilang anak na batang lalaki na kamakailan lang nagdalawang taong gulang.

Itinuring niyang malaking swerte ang pagkapasok sa pabrika bilang isang trabahador sa malaking pabrikang nagsasadelata ng mga produktong pagkain mula sa karne ng baboy at baka.  Noon pa, sa usap-usapan ng mga ka-manggagawa ay paulit-ulit niyang narinig na wala sa minimum ang pasahod ng may-ari ng pabrika. Ngunit para sa kanya, na dating nabubuhay sa pabarya-baryang kita sa magdamagang pangi-ngisda, ang kulang sa tres siyentos na arawang sahod ay malaking pera na.

“’Wag mong dibdibin ang nangyari,” alo sa kanya ng asawang si Delia habang inihahanda sa mesa ang pagsasalu-saluhan nilang mag-anak. “Pasasaan ba’t maaayos din ang welga sa inyo.”

Paborito niya ang nilutong ulam ni Delia sa pananghalian. Tinolang manok. Naglilinab sa taba ng kinatay na tandang ang mainit na sabaw. Ngunit wala siyang ganang kumain. Pakiwari niya’y nanlalaki ang kanyang tiyan at walang panlasa sa pagkain. Ganu’n siya kapag may dinadalang bagabag.

Pilit niyang itinago ‘yun kay Delia. Ayaw niyang maapektuhan ang asawa. Sinikap niyang magpakasigla sa harap ng kanyang mag-ina. Isinakol nang isinakol niya sa bibig ang sinandok na kanin sa platong pinagbaha sa sabaw.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …