Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel

Marlo mas gustong tutukan ang pagkanta

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Lunes, ginanap ang grand launch ng bagong streaming application na AQ Prime. Pwede nang i-download ito sa Apple at Google Play Store. Mag-subscribe  na kayo para mapanood ang magagandang mga pelikula at shows na gawa nila.

Ang Huling Lamay ang isa sa pelikulang mapapanood sa AQ Prime, na isa sa bida rito si Marlo Mortel. Mula ito sa direksiyon ni Joven Tan.

“Natutuwa ako na isinama nila ako sa ‘Huling Lamay.’ I love doing watching horror films, kasi mahilig din akong manood ng mga horror. Dito medyo bad boy ako. Gusto ko ‘yung role ko,” sabi ni Marlo nang makausap namin sa grand launch.

“Itong ‘Huling Lamay’ pa lang ang nagawa ko sa AQ Prime. Tingnan na lang natin kung may kasunod,” aniya pa.

Gumagawa man ng pelikula si Marlo, hindi naman acting ang priority niya kundi ang  singing career.

“Ako personally, mas prefer ko talaga ang music. ‘Yun naman talaga ang ipinunta ko sa showbiz. Gusto ko talagang makilala ako as a singer. ‘Yun ang talagang gusto ko.” 

May bagong kanta na ipino-promote si Marlo titled Tado na hindi pinaikling tarantado.

“Akala ng iba, tarantado, pero it’s konektado,” natatawang sabi ni Marlo.

“It’s a fun song. It’s about enjoying life and being connected to everybody in the world.”

Bukod sa Huling Lamay, ang ilan pa sa mga pelikulang opening salvo ng AQ Prime app na may temang hubaran ay ang La Traidora, Adonis X, at ang Bingwit, na pinagbibidahan nina Krista Miller, Conan King, at Drei Arias mula sa direksiyon ni Neil Buboy Tan. Kasama rin sa pelikula sina Rob Sy at Atty. Aldwin Alegre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …