Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Cloe Skarne Fredrik Hil

KC laging nakaagapay sa mga kapatid

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAPANSIN-PANSIN ang pagsisikap ni KC Concepcion na mapanatiling maganda ang relasyon nilang magkakapatid kahit na nga sabihing magkakaiba sila ng ina. Sa lahat kasi sa kanila, siya ang madaling makapagbiyahe, at sanay nang magpunta kahit saan nang mag-isa. kaya siya ang nag-attend sa kasal ng kapatid niyang si Cloe Skarne noong July 9 sa Stockton, sa matagal na ring boyfriend niyong si Fredrik Hil.

Tumuloy si KC sa tahanan ng mga Skarne sa Sweden at nagpahayag siya nang pasasalamat kay Jenny Syquia at sa asawa niyong si Filip Skarne dahil sa magandang pagtanggap sa kanya sa tahanan ng mga iyon, at sinabi niyang, “I really felt I am part of the family.” 

Pinakasalan ni Gabby si Jenny noon dito sa Pilipinas matapos makuha ang annulment ng nauna niyang kasal kay Sharon Cuneta. Nagkaroon sila ng isang anak, si Cloe nga, pero pagkatapos niyon ay nagkahiwalay din sila. Kumuha rin ng annulment si Jenny at matapos na mag-migrate sa Sweden, nakapag-asawa ngang muli.

Madalas ding makita si KC na ka-bonding ng kapatid na si Garie, na naging anak naman ni Gabby kay Grace Ibuna, at maging sa dalawa pang anak ni Gabby sa kasalukuyang asawang si Genevieve Gonzales, na siya niyang nakakasama kung nagba-bonding din sila ni Gabby sa rest house niyon sa Batangas.

Hindi man nagkakaroon ng pagkakataon si Gabby na maka-bonding ang iba niyang anak, dahil busy din naman siya, at siguro nga dahil sa naging problema niya sa mga nanay ng mga iyon, nariyan naman si KC na kumakatawan sa kanya sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …