Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi ‘di nakalilimot sa mga kaibigan 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang gabi, nagyaya ng dinner ang movie writer at PR man na si Jun Lalin, na ang talagang purpose naman ay kuwentuhan. Matagal na rin naman kaming hindi nakakapagkuwentuhan. Later on sinamahan kami ng isa pang kaibigan si Salve Asis. Hindi ka kasi mahagilap Tita Maricris.

Nang matapos ang aming dinner, nakatuwaan naming mag-selfie, tapos inilagay namin sa social media. Nagkataon naman sigurong naka-monitor sa social media si Ate Vi (Vilma Santos), kaya napakabilis ng kanyang comment na binabati lang naman kami ni Jun. We were very happy. Aba iyong mapansin ka ng isang Vilma Santos, na hindi lamang isang magaling na aktres kundi “lingkod bayan” awardee pa bilang

isang matapat na public servant, aba malaking bagay iyon.

Noong lumipat kami sa isang coffee shop at nag-selfie ulit, siguro naman by that time may iba nang ginawa si Ate Vi, nang magbiro si Jun na, “Salve, hindi na nag-like si Ate Vi noong kasama ka namin.”  Pero iyon ay biro lang naman, na naging dahilan ng malakas na tawanan namin.

Pero talagang ganoon si Ate Vi kahit na noong araw. Ang dami niyang ginagawa sa office niya, lalo na noong panahong governor pa siya ng Batangas, pero hindi niya nakalilimutang kumustahin naman ang kanyang mga mga kaibigan. Nakakatawag siya. Nakakapag-text at ngayon natutuhan na rin niya ang social media. We all agreed na iyon ang kaibahan ni Ate Vi, concerned siya sa mga kaibigan niya.

Hindi mo makikita iyan sa ibang artista ha, na kahit anong tulong ang gawin mo, ni magpasalamat hindi man lang naaalala.

Naglitanya na nga si Jun ng mga artistang natulungan niya. Natatawa lang kami pero kasi ang ugali namin basta ganoon, hindi na namin pinapansin. Basta kami sinasabi lang namin kung ano ang masama at mabuti, kaibigan man namin o hindi. At sa totoo lang, iilan lang naman ang mga kaibigan namin kahit na mahabang panahon na kami sa industriyang ito. Sigurado lang kami na ang mga itinuturing naming kaibigan, kaibigan talaga. Iyong iba “trabaho lang iyan.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …