Saturday , November 23 2024
Robin Padilla Senate

Senator-elect Robin Padilla ‘namasyal’ sa Senado para sa isang briefing

ISINAILALAIM sa briefing si Senator-elect Robin Padilla sa legislative department ng senado upang malaman ang mga proseso sa paggawa ng batas at mga nangyayari sa senado.

Matapos ang isinagawang briefing kay Padilla, agad siyang inikot sa session hall at sa iba’t ibang mga tanggapan sa senado.

Bukod doon ay nag-enrol din sa Development Academy of the Philippines (DAP) si Padilla ng kursong economics, foreign policy, at iba pang mga usapin.

Aminado si Padilla, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang pagkapanalo niya bilang number 1 senador sa nakalipas na halalan.

“Hindi ko inisip ko na mangyayari pero siyempre ibig sabihin noon malaki ang responsibilidad na hindi tayo puwedeng mag-cutting classes, hindi ka dapat ma-late at umabsent at handa ka sa debate,” ani Padilla.

Ilan sa isusulong si Padilla ang Federalism at ang pagbabalik ng death penalty at pagsasampa ng heinous crime sa mga kurakot at magnanakaw sa pamahalaan.

Dito ay hiniling ni Padilla na kanyang pamunuan ang Senate Committee on Constitutional Amendment Revision of Codes and Laws na karaniwang pinamumunuan ng isang abogado.

Katuwiran ni Padilla, mayroon mga abogado na tutulong sa kanya para sa naturang komite at maisulong niya ang kanyang panukalang batas na federalismo.

Tiniyak ni Padilla, handa siyang makipag-debate sa kanyang kapwa senador dahil sanay na siya sa kanyang asawa at mga anak.

Ngunit ang tanging hiling niya, sa wikang tagalog siya makikipagdebate lalo na’t ang makikinig at makahaharap niya ay kapwa Filipino at hindi isang Amerikano o dayuhan.

Inilinaw ni Padilla, sana’y din naman siya sa wikang English dahil sa kanyang mga anak at asawa na kalimitan niyang kausap sa wikang English.

Iginiit ni Padilla, panahon na talaga upang panagutin ang mga magnanakaw sa ating bansa lalo na’t sa kabila ng paghihirap ng ating mga kababayan ay patuloy pa din ang korupsiyon.  (NINO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …