HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI ganoon kadaling alisin sa MMDA iyang Metro Manila Film Festival, kasi iyan ay pinatatakbo ayon sa isang batas. Iyang MMFF ay hindi rin naman nilikha ng MMDA, nadatnan na nila iyan. Galing iyan sa industriya, sa noon ay PMPPA President pa si Joseph Estrada at Censors chief si Gimo de Vega. At bilang governor noon ng Metro Manila, ginawang honorary chairman si first lady Imelda Marcos.
Iyang MMFF na iyan, matagal nang ambisyong makuha ng FDCP. Eh may mga festival din naman sila, pero may napansin ba? Noong makialam sila at pinasukan ng puro indie ang MMFF, hindi ba bumagsak
nang husto? Kaya ang dapat, pabayaan na muna nila iyan dahil wala naman silang maiaalok na mas mabuti. Isa pa, sigurado ba sila na sila pa rin ang hahawak sa FDCP sa ilalim ng bagong administrasyon?
Pag-aralan nila kung ano ang mas magiging magandang takbo ng industriya. Hindi iyong lahat gusto nila ma-control eh wala pa naman silang napatutunayang kaya nga nila.