Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

47 puntos ni Ja Morant nag-angat sa Grizzlies sa panalo sa Game 2

TUMIKADA si Ja Morant ng 47 puntos para iangat ang Memphis Grizzlies sa panalo kontra sa Golden State Warriors at  itabla ang serye sa 1-1 sa pagpapatuloy ng Western Conference Semifinals. 

Hataw ang panimula ng Grizzlies sa 1st quarter, kumamada agad ng puntos sina Jaren Jackson, Jr.,  at Ja Morant para sa 8-0.

Sa simula  ng laban ay nakaramdam ang Warriors ng matinding pisikalan.  Nagsimula iyon nang magkaroon ng pagka-kataon si Gary Payton II para sa easy layup nang kaldagin siya sa ulo ni Dillon Brooks.

“It was a scary play, a dangerous play,”  angal ni  coach  Steve Kerr,

Na-eject si Brooks  pagkatapos bigyan ng Flagrant 2 foul ng reperi.  Pero  ang masaklap, na-injured ang kanang siko ni Payton sa komosyon na iyon.  Hindi na siya nakabalik sa laro.

Ang pagkawala ni GPII, isang malaking kawalan sa GSW dahil siya ang pangunahing dumedepensa kay Morant. Ito ang dahilan kung bakit namiyesta sa puntos ang star player ng  Grizzlies.

Sumunod na nawala sa court para sa Warriors ay si Draymond Green nang masiko sa mukha  na nangailangan ng stiches na nagpagarahe sa kanya hanggang 2nd quarter.

Nagwagi ang Grizzlies sa iskor na 106-101 para itabla ang serye sa 1-1.   

Kumamada si Morant ng 47 puntos sa 16-for-31 shooting, may 8 rebounds at 8 assists.

Pinangunahan ni Steph Curry ang opensa ng Dubs na may 27 puntos, 9 rebounds, at 8 assists.  Samantala, pumakla ang laro nina Thompson at Andrew Wiggins na kumamada lang ng 11-for-35  at 3-for-19 mula sa tres. 

Ang Game 3 sa Sabado ay ilalaro sa Chase Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …