BATAY sa resulta ng mga nakalipas na halalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, itinuturing ang Google Trends bilang pinakatumpak na sukatan pagdating sa prediksiyon ng mga mananalo, kompara sa ground surveys.
Noong 2004 United States presidential election, inilagay ng isang ground survey si John Kerry na panalo laban kay George W. Bush bitbit ang 12-porsiyentong lamang. Ngunit iba naman ang taya ng Google Trends, kung saan nakita na mas mataas ang interes ng mga Amerikano kay Bush kompara kay Kerry. Nagkatotoo ang prediksyon ng Google Trends nang mahalal si Bush bilang ika-43 presidente ng Estados Unidos.
Nangyari rin ang katulad na sitwasyon sa US noong 2012, nang magharap sina Mitt Romney at Barack Obama para sa pagkapangulo. Angat si Romney sa ground surveys ngunit nakita ng Google Trends ang panalo ni Obama, na nagsilbi ng dalawang termino bilang pangulo.
Noong 2016, idineklara ng Reuters na 90 porsiyentong tiyak ang panalo ni dating First Lady Hillary Clinton kay Donald Trump ngunit nanalo ang huli gaya ng prediksyon ng Google Trends.
Noong 2020, lahat ng election predictor models ng Moody’s ay nakaturo sa bagong terrmino ni Trump ngunit nakita naman ng Google Trends ang panalo ni Joe Biden.
Ganito rin ang naging karanasan ng Brazil, Spain, at Canada sa kanilang mga halalan noong 2019, kung saan tumama ang prediksyon ng Google Trends sa mga nanalong kandidato at hindi ng survey.
Nangyari rin ang ganitong senaryo sa ilang bansa sa Asya tulad ng Malaysia at Pakistan.
Noong 2018, sinabi ng survey firm na Merdeka Center, mananalo si dating Prime Minister Najib Razak. Ngunit habang papalapit ang araw ng eleksiyon, tumaas ang interes ng mga botante kay Mahathir Mohamad. Tumama naman ang prediksiyon ng Google Trends na mananalo si Mohamad Razak.
Sa Pakistan, angat si Shehbaz Sharif ng Pakistan Muslim League sa mga survey kontra kay Imran Khan. Ngunit tumama ang prediksyon ng Google Trends dahil tinalo ni Khan si Sharif.
Maaari rin mangyari ang ganitong senaryo sa Filipinas sa pagitan ng dalawang nangungunang kandidato sa pagkapangulo na sina Vice President Leni Robredo at Ferdinand Marcos, Jr.
Lamang si Marcos sa ground surveys, ngunit angat si Robredo pagdating Google Trends, na mayroong 66 porsiyento kontra sa 30 porsiyento ni Marcos.
Pagdating sa sentiment analysis, angat si Robredo na may 26.4 porsiyentong positive sentiment kompara sa 12.8 porsiyento ni Marcos. Sa negative sentiment naman, una si Marcos na may 25.7 porsiyento kompara sa 18.3 porsiyento ni Robredo.
Ayon kay persuasion specialist Alan German, sinusukat ng ground surveys ang gusto ng taongbayan sa isang partikular na panahon habang sinsukat ng Google Trends ang galaw kung sino ang posibleng iboto ng tao, kaya mas tama ang resulta nito.
Ikinompara niya ang ground survey at Google Trends sa sikat na reality show na “The Biggest Loser” na sa isang partikular na araw, isang tao ang mangunguna dahil mas marami siyang nawalang timbang kompara sa ibang kandidato.
Ngunit pagdating sa Google Trends, sinabi ni German na ito’y nakabatay sa pagkilos at maaaring ikompara sa iba’t ibang pag-uugali na hahantong sa panalo.
“To parallel, it shows you patterns of behavior such as how well your eating pattern and daily exercise routines among others. You may be the winner of that specific period, but if your opponent has better patterns of behavior than you, she will be the true winner,” paliwanag niya.
“With behavior patterns available, one can predict who will be the real winner in the end. In the case of Philippine elections, who shall be the biggest winner,” dagdag niya,
Isa lang ang malinaw: sinabi ni German na si Robredo ang mananalo sa 2022 batay sa Google Trends.