Friday , November 22 2024
USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tiwala sa Diyos at bayan sagot sa hamon ng mga mabalasik na moralistang neoliberal

USAPING BAYAN
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

PERO paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Jesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”  – Juan 8:7

“Sino sa inyo ang walang sala?” Ito ang mapangahas na tanong ng ating Panginoong Hesus sa mga taong pakiwari ay wala silang pagkakasala. Ganun-ganun na lamang kung insultohin o libakin ng mga Pariseo o ritwalista ng pananampalatayang Hudyo na maka-Romano ang isang makasalanan sa kanilang paningin. Sila ang buskador at taksil sa bayan sa kanilang panahon.

Nangarap ako na sana ay tapos na ang mga panahong ito pero patuloy na may mga ipokritong mga Pariseo pa rin ngayon. Ang masakit nito ang ilan sa kanila ay kakilala ko at nagbagong ngalan lamang sila. 

Sa panahong ito ay inaangkin na lamang nila ang katawagan na ‘progresibo’ (wala na kasi ang esensiya nito sa kanila ngayong makabagong panahon). At para maging katanggap-tanggap ang kanilang ginagawa ay pilit nilang inaaagaw ang turing na ito sa mga tulad natin o ng mga samahang gaya ng Bagong Bayani ng Mamamayan.

Kung paano ang mga Pariseo ay maka-dayuhan (maka-Romano) noon ay gayon din sila ngayon (maka-kanluran). Pero mas masahol sila ngayon dahil sila bukod sa nagpapagamit ay nangayupapa na rin sa dayuhang lakas, na bukod sa siyang umagaw ng ating kalayaan ay siya rin nasa likod sa pagpatay sa mahigit na isang milyon nating kababayan (bata o matanda, lalaki o babae) at pagpapahirap sa libong iba pa mula 1898 hanggang 1903.

Para sa inyong kaalaman, ang mga kababayan natin na naging biktima ng digmaang 1898-1903, ang pinagsanayan ng mga pagpapahirap na ginamit ng dayuhang ito sa mga Vietnamese noong dekda 50, 60 at 70.

Bukod sa pagiging makadayuhan ay mga masigasig na neoliberal na sila ngayon at tunay na walang-galang (irreverent) sa kanilang mga panunuligsa sa mga anti-neoliberal, kulang na lang ay bitayin nila ang mga tulad natin sa Plaza Miranda nang walang paglilitis. Malinaw na hindi Filipino ang astang ganito. Ang kanilang kabastusan ay laban sa ating maganda at mahal na kaugaliang Filipino, ang pagiging magalang. Naging sila ‘yung kinaaayawan nila, naging online Troll na rin sila.

Para itago ang kanilang likas na karahasan, ang mga buskador na ito ay umaapela lagi sa ating moralidad para palabasin na sila ay makatwiran at tayo’y mali, may malisya at bobo. Isipin na lamang kung gaano sila magiging kalupit kung maluklok sa poder sa pamamagitan ng kanilang sinasambang kandidato.

Hindi ka puwedeng magsalita ng laban dahil puputaktihin ka ng panghihiya, panlilibak, pangungutya, pambabastos, panlalait at marami pang masamang pagpapangalan at banta ng demanda o pananakit. Nakatatakot ang isang lipunan na paghaharian nila. Walang yayapusing liwanag o katwiran ito. Sila lang ang tama…tapos.

Hindi nila alintana na malinaw pa sa sikat ng araw na nakassad sa Juan 8:7 na kasuklam-suklam sa mata ng Panginoon ang pagiging mapanghusga. Nakalulungkot na kahit tumatalima tayo sa mensahe na nakasulat sa Aklat ni Lukas 6:27-31 at pilit natin silang inuunawa, ang mga buskador ay walang kasiyahan at hindi titigil hangga’t hindi tayo lugmok sa kahihiyan sa ating kinatatayuan.

Kaya’t lalo nating palalimin ang ating pananampalataya sa Diyos para malagpasan natin ang ating pinagdaraanan sa kamay ng mga mabalasik na neoliberal. Palalimin natin ang ating pag-aaral tungkol sa tunay na kasaysayan nating mga Filipino. Tayo ay lalong magkapit-bisig at itindig ang ating pinaniniwalaan na Babangon ang Bayan Muli.

Pagpalain tayo ng Panginoon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …