Monday , August 11 2025
Robert Suelo chess

FM Suelo naghari sa Barkadahan Open chess tourney

PINAGHARIAN ni Fide Master Robert Suelo Jr. ang katatapos na Barkadahan Open chess championship na ginanap sa Goldland Chess Club, Goldland Subdivision sa Cainta, Rizal nung Sabado, Abril 2, 2022.

Si Suelo na isa sa pambato ng Quezon City Simba’s Tribe sa PCAP online chess tourney ay nagposte ng highest output 6.0 points para maiuwi ang coveted title sa 1-day event na sinuportahan nina Barkadahan Para Sa Bansa Party list nominee Dr. Ariel Potot, Bayanihan Chess Club director Jimmy Reyes, Goldland Chess Club president Bong Buto at National Arbiter Avelino “Eli”Carredo.

“First of all I would like to thank God,” sabi ni Suelo na active member ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore

“I’m happy to win again” dagdag pa ni Suelo na nagkampeon din sa Hon. Marvin C. Rillo Chess Cup na ginanap sa Barangay Hall, Barangay San Martin De Porres sa Cubao, Quezon City nitong Marso 21, 2022.

” I really pushed myself to win,” huling pananalita ng 1996 Philippine Junior Champion Suelo, former coach/trainer ni Grandmaster Wesley So.

Tumapos si Levis Miranda ng second na may 5.5 points na sinundan naman nina third placer National Master Oshrie Jhames Reyes at fourth placer National Master Al-Basher “Basty” Buto na may tig 5.0 points. Ang next two spots ay nasikwat naman nina Mar Aviel Carredo (4.5) at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. (4).

Mga nakapasok sa top 17 ay sina National Master Romeo Alcodia (3.5), Rohanisah Buto (3.5), Ernesto Macutay (3.5), Noel Jay Estacio (3.5), Abdul Rahman Buto (3.5), Mickayla Buto (3), Yaseen Macaslang (3), Phil Martin Casiguran (3), Jason Rojo (2.5), Vermount Casas (2) at Alysah Buto (2). – Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Carlo Biado PSC

CARLO BIADO PINARANGALAN NG PSC MATAPOS ANG IKALAWANG KAMPEONATO SA WORLD 9-BALL
PSC maghahandog ng billiard set sa pangalan ng Filipino champ bilang pamana sa susunod na henerasyon

PASIG CITY — Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pambihirang tagumpay ni Carlo Biado, …

Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen …

Padel Pilipinas

Ulat ng mga nagawa ng Padel Pilipinas

SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng …