Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Antonio Trillanes Ogie Diaz Mama Loi

Kapilyuhan’ ni Trillanes nailabas nina Ogie at Mama Loi

I-FLEX
ni Jun Nardo

LUMABAS ang pagiging naughty ni senatoriable Antonio Trillanes nang ma-interview siya sa You Tube channel ni Ogie Diaz at co-host na si Mama Loi.

Nakiliti sina si Ogie at Mama Loi sa tinurang “mahabang ano” ni Trillanes sa tanong nila kung paano napapanatili ang pagiging bata at hitsura ng senador. Pero nilinaw ng senador na ang  mahabang pananatili niya sa kulungan kaya bata ang hitsura niya.

“Mahaba ang taon na nakakulong ako kaya hindi exposed sa elements,” pahayag ng senador at inaming may tagahanga rin siyang bading noon.

Pero kahit gustong maging civil engineer noon, naimpluwensiyahan siya ng military background ng ama kaya pumasok sa Philippine Military Ecademy.

Noong teenager ako, nagkaroon din ako ng crush na artista, sina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto. Personal kong nakita si Gretchen,” saad niya.

Naging  aktibong senador si Trillanes mula 200 hanggang 2019 at  nakapagpasa siya ng 98 national bills.

Sakaling mahalal, marami pa siyang planong batas na nais isulong gaya ng kontra korapsiyon, peace and order at iba pa.

Samantala, magdaraos ang CBCP ng Election Forum kasama ang presidentiables ngayong araw, 6:00 p.m. at mapapanood nang live sa Catholic radio stations nationwide at sa partner na TV, cable at social media platforms. Hosts sina Rico Hizon at Bernadette Sembrano at gaganpin sa Hyundai Hall of Areta sa Ateneo de Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …