Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
37 TIMBOG SA ANTI-CRIME DRIVE

ARESTADO ang may kabuuang 37 indibidwal, pawang nasa talaan ng mga lumabag sa batas sa ikinasang serye ng mga operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 20 Marso.

Nadakip ng mga tracker teams ng mga police stations ng Bocaue, Malolos, at Paombong ang tatlo kataong matagal nang pinaghahanap ng batas na kinilalang sina Jonel Lu Pacanuayan ng Brgy. Longos, Malolos para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury; Restituto Reyes ng Brgy. Binakod, Paombong para sa kasong Attempted Rape; at Luncio Bayana II ng Brgy. Bagumbayan, Bocaue para sa Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5(B) ng RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, nagresulta ang ikinasang buy bust operation Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos CPS sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Frederick Talaguit ng Brgy. Bulihan, Malolos.

Nakompiska mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, improvised glass pipe, pouch, cellphone, at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Nahuli sa akto ang suspek na kinilalang si Wilfredo Arevalo ng Brgy. Lolomboy, Bocaue ng mga security personnel ng isang resort na bumababatak ng marijuana na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nasamsam mula sa suspek ang medium-sized plastic ziplock bag na naglalalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at disposable lighter na dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa karampatang pagsusuri.

Gayondin, sa paghahain ng search warrant laban kay Aron Lontoc ng Brgy. Frances, Calumpit, narekober ang isang kalibre.38 revolver, apat na bala, at itim na sling bag. Sinaksihan ng mga kinakailangang tauhan at ginawa nang naaayon sa isinasaad ng batas ang paghahain ng warrant.

Nasakote rin ang 37 sugarol sa serye ng anti-illegal gambling operations na isinagawa ng mga police stations ng Guiguinto, Malolos, Marilao, Meycauayan, Norzagaray, San Jose del Monte, Sta. Maria, at 2nd PMFC.

Nadakip ang 15 sa mga suspek sa pagkasangkot sa ilegal na tupada; 10 sa pagtaya sa illegal dice game; pito sa cara y cruz; at lima sa sugal na tong-its at pusoy.

Nakuha sa mga nadakip ang iba’t ibang gambling paraphernalia at bet money na nakatakdang sampahan ng nararapat na kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …