HATAWAN
ni Ed de Leon
DAHIL sa sobrang taas ng presyo ng gasolina, na nasundan din naman ng pagtataas ng presyo ng lahat ng bilihin. Tataas pa pati ang singil ng Meralco, dahil tumaas daw ang generation charge, bukod pa nga sa may ipinagawa raw sila na siyempre ang gastos ay ipapasa nila sa atin. Ang kuwentuhan nga, lalo raw tumindi ang “pasada” ng mga male star na “nagsa-sideline” sa isang commercial district kung gabi.
Pareho pa rin ang kanilang modus. Nasa parking lot sila sa tabi ng kanilamg kotse, at kung may huminto sa harap nila at makipag-deal, sasakay na rin sila sa kotse niyon at doon na mismo magaganap ang milagro.
Pero may kakompitensiya na rin sila, iyong mga kabataang pogi na sikat daw na mga social media endorser at tiktokers, na hindi na rin kasya ang kinikita sa social media kaya nagsa-sideline na rin.
Mas matatapang at daring pa daw ang mga iyon. Maraming nagagawa na hindi kaya ng mga star. Bukod doon siyempre dahil hindi naman mga artista, mas mababa ang presyo, mas ok pa daw ang “performance.”