Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Cesar Montano

Diego nagpakumbaba kay Cesar

HATAWAN
ni Ed de Leon

OO naman, masasabing magandang balita iyang after seven years ay nagkasundo sina Diego Loyzaga at ang tatay niyang si Cesar Montano

Ayon sa kuwento, nagpakumbaba si Diego at humingi ng paumanhin kung may nasabi man siyang hindi maganda laban sa tatay niya. Eh siyempre tatay niya iyon eh.

Matindi ang naging misundertandings nila noon, kasi siguro mataas ang expectations ni Diego nang una silang magkaharap ulit ng tatay niya, pero mukhang disappointed iyong bata. Lumaki siya sa Australia kasama ang inang si Teresa Loyzaga. Wala siyang nakuhang

atensiyon mula sa tatay niya eh, pero masasabing naging napakaganda nga ng pagpapalaking ginawa ni Teresa sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyaring controversy at disappointments, nagawa pa ring magpakumbaba ni Diego.

Ibig sabihin din niyon, sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon, tinuruan ni Teresa ang kanyang anak na maging magalang sa kanyang ama.

Suwerte iyang si Cesar, tingnan ninyo ang mga naging anak nila ni Sunshine Cruz, nagkahiwalay man sila at hindi niya naibigay ang suporta sa kanyang mga anak dahil wala siyang trabaho, hindi tinuruan ni Shine na lumayo sa kanilang ama ang kanyang mga anak, dahil alam niya “kailangan ng mga bata ang pagtingin ng isang ama.”

Kung naibang klaseng mga babae iyan, baka lahat ng anak niya galit sa kanya.

Hindi sila aware, pero noong araw ay nasundan namin ang kuwento ng relasyon nina Teresa at Cesar. Alam na alam namin kung bakit Diego ang ipinangalan nila sa kanilang anak. Pero iyon ay mga private stories na hindi na dapat  inilalabas sa publiko. Kahit naman mga artista sila, may karapatan din naman silang magkaroon ng privacy.

Mabuti at naayos ang problema nilang dalawa. May mga relasyong hindi na naaayos at nauuwi na sa mga bagay na hindi na maganda. Hindi natin maikakaila na may mga ganyang pangyayari sa showbusiness.

Noong magkaroon ng problema si Diego, mabuti na lang at maagap si Teresa kaya hindi na napasama iyong bata. Binigyan din siya ng moral support ni Sunshine at ng kanyang mga kapatid sa ama. Madalas, lalo na nga’t may okasyon kasama ni Diego ang mga kapatid niyang anak ni Sunshine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …